la pinay's Blurty Entries [entries|friends|calendar]
la pinay

bitchology
LJ
[ userinfo | blurty userinfo ]
[ calendar | blurty calendar ]

malabo [02 Sep 2004|08:42pm]
[ mood | confused ]
[ music | hands - jewel ]

noon wala itong laman...pero ngayon...nahahalata bang lagay ng lagay ako ng mga laman dito?

may mga araw na ayaw na ayaw kong makasama ang mga kaibigan ko at masgugustuhan ko pang kausapin ang mga dating kaibigan ko na hindi ko nakakausap.

bakit kaya?

nasasawa na ba ako sa mga kaibigan ko? di naman. sila lang ang dahilan kung bakit pa ako pumupunta sa paaralang ito. kung wala sila, di naman masaya ang araw. pero aaminin ko na may araw na naaasar ako sa kanila at alam ko naman may araw na naaasar na rin sila sa akin.

ang labo.

give into me...

medyo bastos [01 Sep 2004|08:21pm]
[ mood | pissed off ]
[ music | wala...wala...wala! ]

ang hindi ko lang maintindihan kung bakit may mga taong bubulong sa harapan mo. ayaw nila malaman ng ibang tao ang pinagsasabihan nila sa isa't isa.

hindi ata nila nararamdaman na medyo bastos nga lang yun at para naman di nila alam na magtataka ang ibang tao sa mga pinagsasabi ninyo. kung magtatanong naman ang tao, sinasabi na "wala iyon!" pero alam mo naman meron.

nakakaasar dahil pwede naman sila umalis at magusap sa ibang lugar. masnakakaasar kung ginagamit pa ang kamay pantakip ng bibig para maslalong hindi marinig. bastos at nakakairita. para naman di nila pinahahalagahan ang damadamin ng ibang tao. nakakainis talaga eh!

ang sa akin lang naman, kung maysasabihin ka na ayaw mong marinig ng tao, hwag naman gamitin ang paraan ng pagbulong na halata namang nakikita ng taong gusto malaman ang ibinubulong! masakit kasi eh dahil parang pinapahalata mo na ayaw mo talagang sabihin sa tao an nalalaman mo. bastos eh!

give into me...

mga payaso [30 Aug 2004|12:25am]
[ music | sound effects ]

nakakatuwa ang mga payaso
parati silang nakangiti
malabo rin kasi
ngiti pa rin sila kahit umiiyak

give into me...

nasasaktan ngunit nakangiti parin [26 Aug 2004|07:28pm]
[ mood | depressed ]
[ music | I try - jonatha brooke ]

ang sarap pala kung pinasaya mo isang tao. napakasarap ng pakiramdam dahil ang kaibigan mo'y nakangiti. pareho rin naman kung pinaiyak mo ang isang tao. di naman ibig sabihan na talagang pinapaiyak ang isang tao. masakit lang sa dibdib kung nakikita ko na talagang nasasaktan siya.

totoo ngang pusong mamon ako...di ko matiis na makita ang mga kaibigan kong malungkot kahit na hindi ko kasalanan and kanyang kalungkutan.

iba rin yung sakit kung nakikita mo yung gusto mo na may gustong iba. kahit na masakit, nakikita mong gustong-gusto niya kaibigan mo kahit na masmaaga ang pagkakilala mo sa kanya kaysa sa kaibigan mo. kahit na masakit, masaya ka parin dahil masaya ang kaibigan mo. hindi pinapansin ang hapdi sa dibdib dahil kahit paano, masmalakas ang kasiyahan kaysa sa sakit.

wala man lang ako magawa dahil hindi ko na talaga atang mahahanap ang lalaking para sa akin lamang.

pero ganun ang buhay. umiikot parin ang mundo kahit na ako'y hindi gumagalaw. ang pag-ibig talaga ay napaka-iba, noh? nararamdaman ang iba't ibang damdamin at ito'y nakakalito. nakakagulo...nakakahilo...nakakaasar.

dapat talaga...may ginagawa dito sa bahay...ang lalalim tuloy ng mga iniisip ko. sumasakit and ulo. maslalong sumasakit ang aking ulo at nakakaasar rin naman dahil sa bawat mensahe na nakukuha ko galing sa kanya, bumibilis ang tibok ng aking puso at ako'y hindi tumitigil sa pagngingiti.

masarap magpasaya ng tao...ngunit, sino naman ang magpapasaya sa akin? buhay ay nakakaindak at nakakaaliw dahil sa iba't ibang pangyayari sa bawat araw. araw-arawin man ang buhay, hindi ako magsasawa. dahil sa aking buhay, mga panahon naman ngayon ang sakit sa dibdib ay lalong lumalala at kahit saan ako tumingin, mayroong elementong nagsisira sa araw ko. pero sa susunod na araw, inaabangan ko ang mga pangyayaring pwede akong pasayahin.

sumasakit ang dibdib. sumisikip pagsilang dalawa ang nakikita. bakit ba ako nasasaktan pero masaya naman ang aking matalik na kaibigan? baka nga hindi talaga kami pwede sa isa't isa...baka ito ay isang mensahe na may naghihintay na iba para sa akin.

pero...kahit na isinasaisip ko ito, bakit masakit parin ang aking nararamdaman? ako'y nasasaktan ngunit, pipilitin kong ngumiti...ngumiti para hindi naman nila mahahalata na ako'y nasasaktan, o naaapektohan sa kanilang sikretong pagiibigan.

ngingit lang ako.
nakangiti naman ako palagi.
nakangiti para sumaya ang aking mga kaibigan.
ngumingiti dahil di ko kayang umiyak at ipakita ang kalungkutan...
may araw din na ako'y iiyak.
iiyak ako.
hindi nakaharap sa tao
hindi nakikita ang lumbay sa aking mga mata
mamaya'y tatanungin nila ako kung bakit malalim ang lungkot sa aking mata
baka wala akong masabi
kaya habang hindi sila nakatingin
habang sila'y nakatalikod.
ako'y iiyak
at kung sila'y nakaharap at tumitingin sa akin...
ako'y iiyak sa loob at ngingiti sa labas.

2 gave mes give into me...

then again... [23 Aug 2004|12:16am]
[ mood | apathetic ]
[ music | frogs ]

in the computer room.

so much drama

will update when I get home.

then again...maybe not.

give into me...

navigation
[ viewing | 5 entries back ]
[ go | earlier/later ]