la pinay's Blurty Entries [entries|friends|calendar]
la pinay

bitchology
LJ
[ userinfo | blurty userinfo ]
[ calendar | blurty calendar ]

bakit kaya ganoon, noh? [17 Jul 2005|12:08am]
[ mood | haay... ]
[ music | stay - carol banawa ]

nung sinabi sa akin nina chris at jo-anna na may gusto pala si carl kay jam...parang...nasuntok ako sa tiyan...

bago na...nasanay na ako na sila na ng kaibigan ko...nung mayo pa nga eh. pareho pa nga paaralan nila...ako...sobrang layo.

nung nakausap ko siya mga iilang araw lang...sabi niya sa akin na bumisita naman ako...maliban sa rason na malabo ang mga araw ko, ayaw kong makita silang dalawa...

ewan ko ba kung ano yung problema ko. lahat ng lalaki na gusto, nagkakagusto sa ibang babae...maslabo nga kung magkagusto sila sa isa pang lalake eh @_@;

parang parehas nga kami ni rose eh...lahat ng lalaki na gusto namin, pumupunta sa iba...

ewan ko...

sana kanina pa ako naglagay ng entry dito...di na kasi maaga...

5 gave mes give into me...

nagmumuni-muni [20 Jan 2005|10:43pm]
[ mood | contemplative ]
[ music | soldier - destiny's child ]

haay...salamat naman!!!

ang saya ko! mayroon na akong college! grabe...di ko na matiis yung mga nangyayari sa paaralan ko. para bang...ngayong ko lang nakikita yung mga ginagawa nila sa mga estudyante.

ganyan ba ako kabulag?

marami-rami na rin pala akong mga on-line journals...di ko lang napansin na nangongolekta na pala ako ^^; may roon ako sa easyjournal, sa diaryland, sa livejorunal, sa xanga, sa tabulas, at dito sa blurty...ang labo! para bang di ako makapagdecide kung ano ba talaga ang gagamitin ko.

dahil naman kasi may iba-iba akong personality...parang schizo?

gusto ko nang mag-graduate! di ko na matiis ang mga nangyayari..gusto ko makahanap ng guy na pwede akong mahalin..dahil naiinggit na talaga ako. malabo nga eh. dati sinasabi ko sa sarili ko na di ko kailangan ng boyfriend dahil abala lang sila sa pag-aaral ko...pero tingnan mo naman si pia...three years na sila ni carlo pero honor student parin siya.

kinausap ko kaibigan kong lalaki...tinanong ko sa kanya kung bakit walang lalaking nagkakagusto sa akin. bakit puro nalang si ate? tapos sabi naman niya na marami naman nagkakagusto sa akin kaya lang...ang kagandahan ko daw at nakakaintimidate...

lokong yun! nagawa pa niya akong lokohin!

pero...totoo ba yun? totoo bang nakakaintimidate ako? kung ganun...anong gagawin ko? ala nga naman ayusin ko mukha ko para pumangit ako ng konti...ayokong pumangit!

pagkatapos ko siyang binatukan, tinanong ko sa kanya kung bakit may mga lalaking naiintimidate sa looks ko...reply naman niya na dahil dun inaakala ng mga guys na may boyfriend na daw ako tapos kasama ko siya parati kaya mukhang ganun...

malabo naman eh! kalahating bading yun! gwapo nga at sayang yung looks niya...yun yung parati namin sinasabi sa kanya...kami ng babae niyang kapatid tapos kaming dalawang magkapatid.

daya rin naman kasi eh! inaagaw niya ang lahat ng mga gwapo -____-; bakla talaga yun! ay...excuse me...nagagalit pala yun kapag tawagin siyang bakla...BADING pala ;)

3 gave mes give into me...

suntok sa tiyan. [09 Dec 2004|10:59pm]
[ mood | crushed ]
[ music | suntok sa buwan - session roas ]

hindi ko gusto ang nangyayari sa aking sarili.

nagiging tamad na ako at mukhang bumabagsak na ako sa physics. makakakuha kaya ako ng mataas na grado sa Lab upang umangat naman ang aking grado? sana...ayoko talagang magkaroon ng mababang marka sa aking report card.

disyembre at pasko nanaman. dumaan ang dalawang napakalakas na bagyo. mukhang may ibang mga pamilya na hindi makakasalu-salo dahil karamihan ng kanilang kamag-anak ay nawawala o namatay na.

natuklasan ko nga pala mga dalawang araw na naka lipas na talagang iniibig ng kaibigan kong lalaki ang isa kong kaibigan. pinagusapan ko na siya dati.

noong sabi ng kaibigan ko na "sabi niya sa aking 'di kita gusto'" pareho kami nagulat. hindi ko mapigilan ang sarili ko pero may maliit na apoy ng pag-asang sumabog sa aking dibdib...tapos tinuloy niya ang kwento. para ako'y nasuntok sa tiyan.

alam ko na dapat ako'y masaya para sa kanya...at oo...masaya nga ako. pero...parang may isang demoniyong ayaw maniwala na totoong mahal niya ang kaibigan ko. di niya nga sinabihan "mahal kita" dahil hindi daw siya handa. naiiintindihan ko yun...at pinapalakpakan ko ang kaibigan kong lalaki dahil sinabi niya ang dalawang salitang iyon ng walang kahiya-hiya.

maka-aral na nga...may pasok pa ako bukas at maraming pagsusulit sa susunod na linggo. hindi ko alam kung gaanong katagal nanaman ako makakasulat dito.

2 gave mes give into me...

changed [27 Sep 2004|08:04pm]
[ mood | indifferent ]
[ music | dove - moony ]

I changed the layout. it looks like my livejournal since I was too lazy to find another background image. I dont' know where I got the background image. I just found it in the files of my oneesan.

2 gave mes give into me...

bwisit na katabi sa klase [27 Sep 2004|07:51pm]
[ mood | bitchy ]
[ music | I don't want to be - gavin degraw ]

parang nararamdaman kong nawawalan ako ng mga kaibigan. parang may tinatago sila sa akin na baka nasa isip ko lang na ito'y masama.

mga kaibigan kong akala ko na pwede kong mapagtiwalaan nawawala na. yung mga kasama ko sa klase...parang wala na akong kakampi. sa labas ko lang nakikita ang mga tunay kong kaibigan. nararamdaman ko na ayaw na ata nila sa akin.

ano ba ang nagawa ko? la naman sa pagkaalam ko. di ko alam kung bakit mayroon silang tinatago. nahihirapan pa naman din ako.

di ko gusto ang bago kong lugar na inuupuan sa klase. hindi ko gusto ang katabi ko dahil puno siya ng lait at isip ko tuloy na pagkatabi ko siya, maslalo ako napapasama. naasar tuloy ako sa kaniya dahil parang ayaw niya ako. parang isip ko tuloy na iniisip niya na ako'y walang kwenta.

kanina lamang, binara niya ako. ba't ba niya iniisip ng kasamaan and karamihan ng ibang tao. nagpakita nga na inaakala niya na tinatamaan ako. sinabi niya kasi na siya'y isang tao na hindi kumokopya sa ibang papel ng tao. tapos may dinagdag pa siyang "hindi katulad ng iba diyan"...naasar ako! pagsabi niya ng ganoon parang di niya nakikita ang kabuithan sa bawat tao.

tapos sinabihan pa niya ang isang matalik kong kaibigan na di marunong makisama sa ibang tao. wala akong kilala na mashihigit pa sa katauhan ni bianca. siya's mabait at marami siyang kaibigan. kasalanan niya ba kung napakaganda niya at maraming lalaki ang pumapatol sa kanya? ba't ba ayaw tanggapin ng bwisit na iyon na ayaw talaga ni bianca ng relasyon muna. pinipilit pa kasi at nauunawaan ko naman ang kaibigan ko.

basta. dapat makahanap ako ng paraan para useful naman yung taong yun!

4 gave mes give into me...

navigation
[ viewing | most recent entries ]
[ go | earlier ]