paradox lies herein

History

17th June 2009

12:10am: May Isa Na Namang Kumagat Sa Alikabok


Isang crush na naman ang ni-give up ko today.  Ayoko na ng ganito, parang ginagawang hobby ang pag-quit, masyado ng masakit sa bangs (humahaba na ulit ang hurr ko at nahahawi ko na siyang muli, kaya may relevance na yang catchphrase na  yan.)

Hindi ko pa nga siya nai-introduce sa aking online audience/storyline eh, at never ko pa siyang namensh sa aking fairy-gaymother, eh ayun, kinailangan ko na ulit magpaalam na aking mahal, kahit kay hirap sabihin, at masakit isipin [go lang miss Rachel A.].  

Masyado naman ata akong nagco-compensate, sobrang bilis ng turn-over na parang apoptosis lang.  Dati rati kasi, sobrang loyal kong magka-crush, yung tipong long-term, as in dekada ang binibilang, Johnson yata yan, tumatagaaaaal, yung ganong level.  Kasi, naniniwala ako na fragile ang ating mga puso, dapat inaalagaan, kaya kung magmahal ka, dapat one at a time lang.  At habang nagmamahal ka, aalayan mo siya ng maraming pseudo-literary works in the form of journal entries, na napaka-cryptic na pati si Nostradamus, kung buhay siya, ay hindi mahuhulaan ever!  Pero merong slight hint-hint, nudge-nudge, wink-wink here and there para naman kung sakaling mabasa nga nung iniirog eh mapaisip siya, at sana maisip niya na mahal ka rin niya.  Sana lang.  

At kung hindi ka niya mahal, aba sa head mo lang nangyari ang lahat, at meron kang ultimate defense: Deniability!!!  Oh, dahil diyan hindi mababawasan ang ganda mo.  Nasa pedestal ka pa rin.  Perfect plan diba?

Mabalik tayo sa recently exed-crush, paano naman kasi medyo hindi maganda ang pananalita niya.  Yung pag-bigkas.  Parang may mali.  Hindi naman lisp na parang kakatanggal lang ng braces niya.   Pero, willing akong patawarin yun, dahil minsan kaya kong i-bend ang standards ko. [some people call it maturity, the rest call it desperation.] Tapos kanina na-realize naming ng friend ko, yung boses niya, yung tipong nagpipilit palalimin dahil anytime pwedeng tumaas ang octave!  Blurdet siya pero nasa sssshhh stage pa lang siya.  Sorry, tapos na ako sa stage na ganyan.  

Napaisip tuloy ako, kung naging kami ba tapos nag-break kami (dahil nga longterm ako magplano pagdating sa pag-ibig), ikakahiya ko ba siya?

Isang naghuhumiyaw na OO.

Kesa ikahiya ko siya in the future, eh tigilan na lang natin ito.  I’m actually doing us both a favor.  Charitable lang, baket?



Powered by Blurty.com