: You Decide, Hahaha, But Not Really

Akala mo kasi pag ikaw na yung nag-decide, finally, things will fall into place. Eh dati, parang sanay ka lang sa anticipation, yung tipong, “I’m preparing myself to be happy,” yung ganong drama.
Iniisip mo, bata ka pa, ayaw mong magpadalus-dalos sa pagdedesisyon. Hindi mo naman alam na mabilis lumipas ang panahon, isang araw 18 years old ka, tapos pagkaraan ng ilang tulog eh, aba beinte-singko ka na pala.
Sorry naman mga celestial forces ha, hindi ko kasi alam.
Pinaniwala kasi ako sa lecheng “mind over matter,” na yan. Pohtek! For the longest time, more effort na umibig, sa isang tao lang at a time, kasi loyal nga ako. (may mga mini-infatuations on the side, pero that doesn’t count kasi parang pang-tawid gutom sila, eye candy lang kumbaga). Aba, in the end, I could never love enough for the both of us… APPARENTLY! I couldn’t even LIKE enough for the both of us. Yown pala yown! Isang malaking kalokohan pala yang “mind over matter,” lalo na pag yung matter eh may sariling mind on its own. Hindi ko kasi nabasa yung fineprint, rumatsada ng walang pasintabi.
Patawad.
Tapos ngayon, etoh na ha, parang prepared na yung puso ko. Hindi na ako takot, as in, “ready get set go…” na. Humingi na ako ng moral support sa mga kaibigan ko (na finally eh natuwa para sa akin, senyales daw na over na ako kay OTL). Pasensya na lang mga friends, parang pinagsaraduhan na naman ako ng gate that leads to eternal happiness.
Hmph. Sabi nga ng kaibigan ko, parang reverse existentialism lang siya, na akala mo ikaw ang nagde-decide, pero ultimately, nasa kamay pa rin pala ng cosmos. Hindi na siya nakakatawa, nakakapanghina na ng loob.