paradox lies herein

History

6th May 2009

4:55pm: Boracay Inevitabilities



1. Ang obligatory jumpshot: Kahit saang merong buhanging hindi naiiwasan na ang mga tao ay tumatalon. Katulad ng sabi ko dati, do this shot often enough, then you’ve got a new work-out regimen.

2. Celebrity encounters: Si Rachel Lobangco po ang mother of all celebrity encounters, kahit sabihin nating napaglipasan na siya. Isipin mo hanggang ngayon, She-Boom pa rin ang Pop reference kay Rachel Lobangco, eh panahon pa yun ng mga tito ko. Pero in fairness to Rachel Lobangco, more lapit siya sa UPDT, eh aba, yung men’s team, well-appreciated naman yang gesture, kasi nga naman si medyo takaw pansin si Rachel Lobangco at ang kanyang nagkikintabang breasts. Bakit ba si Rachel Lobangco? Hindi ko alam, pero parang ang saying sabihin ng Rachel Lobangco five times in one paragraph. Si Marc Nelson naman ang father of celebrity encounters. Pagkatapos ng sangkatutak na “hellooopoooo,” nabihag din ng team si Marc Nelson. Feeling ko ang tingin niya sa team magaling, pero slightly retarded. Masisi mo ba naman, eh nagi-istrangulate ang swimsuit ng mga tao pag ngumiginiti na siya at nag-fe-flex ng mga muskels. Mapapasigaw ka na lang everytime tumitingin siya. Wag nang manghusga, tao lang. Nadadarang! Pero pero pero, upon closer inspection, devoid of mook-up and other types of concealments, merong isang malaking pimpol si Marc sa lateral aspect of his left brow. Aba, tao lang din siya, that’s good to hear/see/smell…

3. Soak in the sun: Sorry, this was a little bit elusive. Next. Konti na lang dapat maga-alay na ko ng tao para lang mawala yung mga ulap.

4. Meet new people: sabi nga ni jowein, NFF or newfoundfriends are v. important, kasi baka may ma-glean sila sa buhay mo na hindi mo ever napagtanto before. At, pwede rin silang maging lovemonger na maaring maging susi sa yong everlasting happiness. Hello Wina!

5. Mag-guessing game ng sexuality ng mga tao. Nabanggit ko na ito before, ang three stages of boyhood. Wonderboy → Playboy → Loverboy. First, you wonder if he’s a boy. Then, he starts playing with other boys. After playing, he will reach the irreversible condition of falling in love with other boys. Shempre, ayokong maglagay ng visual aid, baka ma-assassinate ako bukas ng umaga.

6. Mag-party! This doesn’t require a long explanation. Huwag ever i-underestimate ang kapangyarihan ng parteh sa pagbibigay ng wisdom. Aba, hindi niyo lang alam na sa pag-indak sa saliw ng musika ay inilalapit ninyo ang inyong mga kaluluwa sa sangkaitaasan. Ito ang praktis ng mga tribu sa Aprika. Kung aaalalahanin ninyo base sa ating mga napag-aralan sa Kasaysayan at Araling Panlipunan, ang pagsayaw ang paraan ng mga sinaunang tao para makipag-usap sa kanilang mga pinaniniwalaang mas nakakataas na nilalang.

Powered by Blurty.com