paradox lies herein

History

24th April 2009

12:20pm: Follow up


Itago natin siya sa codename na RL.

Fine. Slight chubby siya, hindi ko na yon ikakaila o maikakaila. May mga bagay na sobrang obvious, bulag lang ang hindi makakakita. Kasi nga downfall ko daw yun.

Pero to be fair, hot naman siya in the greater scheme of aesthetics. Dahil, I think, pag na-view siya in public, mukha lang naman siyang maraming kinain nung lunch kanina, at hindi naman parang devour-kung-devour ang lifestyle niya.

Hindi ko alam, parang nag-iimagine lang na naman ba ako. Alam mo naman kahit prude, hindi maiiwasang maging asyumera to the umpteenth power. Ang hirap naman kasing hindi mag-assume kung parati siya nakatitig, oh kaya parati siya merong sasabihin, at pag may ginawa ka super-mega-thank-you-yves, complete with first name lahat ng mga pasasalamat, eh hello, minsan inaabot ko lang naman yung nalaglag na ball pen, o kaya tinuturo ko kung saan yung hinahanap niya na kanina pa nasa gilid niya.

After a few weeks of paying extra attention, meaning, pag-add ng unnecessary additional comments kapag nasa paligid ko siya.

Kaso, parang nasa head ko lang na naman lahat.

Pero pero pero, dahil mapag-bigay at sadyang sabay na mapag-biro din minsan ang tadhana, nakasalubong ko siya, at bigla niyang sinabi ang mga katagang:
“Hi Yves, ang seksi mo ngayon ah,” at sinabi niya yan ng pabulong, na para bang kakagising lang niya at naaalimpungatan siya sa aking yumi at ganda.

Shempre, prude nga ako diba? Alam mo kung anong sinabi ko sa kanya? At awareness ako sa opportunity na ito, itong pagkakataon na finally, magkakaron ako ng come back na may stamp na “Yes, I’ll flirt with you.” Naisip ko, baka naman binibiro lang niya ako, kasi minsan merong bouts of disbelief din naman ako minsan.

Kaso, lumipas na ang limang segundo, lumagpas na siya, at ako ayun iniwan niyang nakatanga.

Alam mo, my dear reader, ang mas masakit, ay hindi sa wala akong nasabi, kundi sa wala na siyang follow up!

Ang sa akin lang, if you find me sexy, what are you gonna do about it?
Diba?

Powered by Blurty.com