paradox lies herein

History

12th April 2009

10:40pm: Ang Paghuhusga ng Guardia Sibil



Pagkatapos mag-check in sa Hotel, nagtungo kami ng Intramuros para umaura kahit isang saglit lang. May dala kaming mga kenya-kenyangovercoats, dahil ayaw naming maging mahalay habang ang ibang tao ay nagpu-prusisyon.

Habang nagpi-pichooran, may lumapit na isang Guardia Sibil at sinabihan kami na bawal daw ang ginagawa namin. Alin? Alin sa mga ginagawa namin? In-assume namin bawal gumamit ng tripod and SLR, dahil ba walang permit? Hindi kami sure. Matapos ang ilang minutong pagtatanong, umalis yung guard.

Natawa kami ni Jowein, hindi kasi naming alam na merong ganong mga restrictions. Fine, wag i-commercialize and essence ng intramuros, get ko naman yun. Pero hindi naman naming intension ibenta ang mga kukunin naming ritrato! Hello, nagsisilbi lang silang visual aid sa mga panawagan naming magkaron na ng kenya-kenyang boypren. Kumbaga pag ipi-pimp kami ng mga mababait naming mga kaibigan, meron silang maituturo na larawan, habang sinasabi ang mga katagang: “Oo, hot talaga yang friend ko na yan, matalino, with good family background.” And we shall live happily ever after.

Anyway, nilabas ko na lang yung Digi-cam ko, baka isipin nung manong guard, very limiting na ang shots at hahayaan na kaming magkukuha ng pichoors. Ngunit, maya-maya bumalik yung guardia sibil, may dala na siyang logbook. Gusto niyang kunin mga pangalan namin.

Pareho kaming lito ni Jowein para mag-react properly. Ano po ba ang ginagawa naming bawal?

"Bawal po kasi yan, yung mga ganyang nakaayos?"
"Ha, suot ko tong jacket na ito, tinanggal ko lang dahil mainit." Sabi ni jowein.
"Ano po ba talaga ang bawal?" Tanong ko.
"Dapat po kasi pang souvenir lang na litrato. Saang ad niyo po ba gagamitin yang mga litrato?"
"Ganito po talaga kami!" Sabi ko.

Hindi na namin binigay yung pangalan naming, dahil wala kaming ID! Basta, mahaba yung pagtatalo. Sabi pa ni manong guardia sibil, parang obvious naman daw na hindi normal lang yung ginagawa namin, dahil sa mga suot namin.

Shet, ka-offend!

And the whole time i thought he was kidding!

In the end, nag-decide kami ni jowein na lumarga na lang at iwan si mamang guardia sibil na napaka-mapang-husga! Grabe, ni-judge talaga niya kami!

Well, lumipat lang kami ng wall, yung wall na walang guardia sibil. At dun namin tinuloy ang aming photoshoot, habang minumura namin yung guardia sibil na yun. Shet siya, hindi pa nga kami all-out ni jowein eh. Hello, casual wear pa lang kaya yun. Hindi pa nga kami naka-gown nun eh, and on the other extreme, hindi pa kami naka-hubad. Na-tempt nga ako na ibigay sa kanya yung multiply address ko para sabihin, “Yan po ang normal sa amin. Hindi kami marunong ng candid, at lalo ng hindi naming ginagawa ang WACKY!

Grrr...


Powered by Blurty.com