| (walang tong subject) flash.to/psychsoc --->updated po to |
[09 Nov 2003|09:43pm] |
| [ |
mood |
| |
working |
] |
Bakit ang tao mahilig makialam? Dahil sa tingin ko nasasatisfy ang kanilang mga sarili kapag marami silang nalalaman sa mga taong nasa paligid nila... Sa rasong hindi ko malaman kung bakit. Kahit ang taong yun e hindi talaga nila kaibigan... O hindi sila kinoconsider na kaibigan. O maaari rin namang hindi sila kakilala pero kilala nila. Talagang ang tao mahilig mangusisa. Pag may iba ka namang kakilala na walang pakialam naaasar ka. Kasi nga walang pakialam e. Pero pag ayaw mo tapos nakikialam sayo, ayaw mo pa rin. Talaga nga naman ang tao oo... Hindi makontento. Kaya't ang maigi na ginagawa ng karamihan ay tinatago na lang ang kulo upang hindi makasakit ng damdamin ng ibang tao. Pero pag sobra na... Dun ang tamang oras para magparamdam na nakakabwiset na. Hindi naman 'yon masama sa aking palagay. Karapatan lang.
~~~~~~~~***~~~~~~~~
May ibang tao kapag magkalapit kayo, napakapersistent. Pero napalayo na (pero gumagawa ka rin ng paraan para di magkalayo loob niyo) dahil sa hindi pa rin malamang kadahilanan. At hindi na ako ang may kasalanan nyan. Marahil nagsawa na sila sa mga "luma" nilang kaibigan. "Sa bagay", a nila, "andami ko namang bagong pagkakaabalahan, ba't pa ko magsasayang ng oras sa mga dati ko ng kaibigan, lam ko namang hindi nila ko matitiis noh."
>>> Para sa 'sang kaibigan na medyo nakakalimut na. Isa pa naman siya sa mga "i-special". Wala sanang makabasang ange people, baka kung ano pa isipin :p
|
|