FOCUS, cos i can't's Blurty Day [entries|friends|calendar]
FOCUS, cos i can't

[ userinfo | blurty userinfo ]
[ calendar | blurty calendar ]

because it's much better heartfelt; [08 Jan 2004|11:58am]
[ mood | nostalgic ]
[ music | jordan knight; close my eyes ]

may kaibigan ako dati, araw-araw kong kausap. madalas yung mga usapan namin pang-magkapatid. siguro ganon na nga, halos magkapatid na kami.

lahat naiba sa isang iglap. ako, siya, sila, yung sitwasyon -- lahat nagbago. sa tagal ng pagkakaibigan namin, nakakatawa nalang isipin na kami pa yung hindi nagkaintindihan. nakakatawa na nakakalabo ng utak. ngayon, hindi ko alam kung anong nangyayari sa buhay niya. itabi ko yon sa kondisyon na halos gawin niya na akong diyaryo dati, aaminin ko, nakakalungkot kahit papano.

alam ko masaya siya. masaya ako na masaya siya. may katagalan rin kasi na hiningi niya yung pagkakataon na humalakhak nang hindi plastik, ngumiti nang hindi pilit. naalala ko pa dati, sabi ko ipagdadasal kong hindi niya siya ma-depress -- niloko ko pa na ako kasi yung iniistorbo niya. syempre, tawanan na ang kasunod non.

naalala ko lang.
sa totoo, nakarinig ako ng kanta at naalala ko lang bigla.

..na wala sa isang araw na hindi kami magmurahan na solid, mapa-"tangina ka, men!" o mapa-"aba, ikaw ay isang pakker!" pa yan. syempre hindi kami seryoso, lagi lang naming ginagawa.

..kung pano niya tawanan ang pananalita ko. bentang-benta sa kanya ang hirit na "basta laaaaaaaaaang (long pause) may masabi." sobra rin ang pagka-aliw niya sa mga salitang "olopong" at "ocox", pati yung "kadi-re" na super quick emphasis lang sa re.

..yung isang beses na kinapalan ko ang mukha ko at sinabayan ko siyang kumanta. akala ko tatawa siya sa huli, pero ang sinabi niya, "maganda boses mo kung hindi mo ginagago." sinabihan ko siyang gago pagkatapos non. nahiya ako e.

..ang walang kamatayan niyang panunukso sakin sa dalawang Atenistang kaibigan namin. panahon pa ng #cuties yon.

..mga alias at alias-making contests. oo, nagsuffer din kami sa ka-corny-han na yon. nagkokopyahan pa nga kami e. blue and red yung akin, sa kanya black and gray.

..ang pagkawarfreak namin on certain occasions. pag galit ako, konsintidor siya. binibigyan pa ako ng mga ideas kung pano ko daw puede patumbahin yung kalaban. pakiramdam niya siya si Mr. Miyagi at ako yung karate kid. isa samin hindi nag-qualifty sa KAHIT ALIN dun sa dalawang posisyon na yon. hehe, umasa pa e.

..nag-imbento pa kami ng samahan, kasama ang isa pa naming kaibigan. ECM pa tinawag namin. wala naman kaming mga plano, gusto lang naming magka-pangalan. ganon kalakas trip namin e, kasing lakas ng kung sino mang HENYO na nakaisip ng pangalan na BERKS. inunahan mo kami, punyeta ka. :P

..siya daw ang tatay ko, at yung isa pang kaibigan naming babae ang nanay. unggoy daw siya na nagmahal sa isang aso, kaya naging cross-breed akong kawawa.

..mga kwento niya sa babae. magmula sa kilig hanggang sa galit, napakinggan ko lahat.

..kung pano namin palalain yung mga kadiri nang bagay. mga tipong "may nasagasaan na pusa malapit samin kanina. kadire." -- hihirit yung isa ng "a talaga? pisang-pisa ba?" na sasabayan namin nung isa na "hindi masyado. nagkalat lang naman ng pusa organs sa kalye."

..ang galit niya sa kamartyr-an ko dati. pag nagkwento ako sa kanya tungkol don, ang reaksyon niya lang ay isang mabilis at halatang basta-lang-masabi na "AH." yun ay kung trip niya pang magcomment. kung hindi, talagang tablado lang ako.

..palanca sa puting-puting-puting-sobrangputing sobre.

..kung paano namin lunurin lahat ng sama ng loob; na dala-dala lang namin ay kabaliwan, pinakabaduy na jokes sa mundo, eyebags namin, at ang pinakamalutong na halakhak ng dalawang magkaibigan.

naalala ko lang, na may kaibigan ako dati.
new year na, chong. kamusta na?

22 comments|post comment

navigation
[ viewing | January 8th, 2004 ]
[ go | previous day|next day ]