| I think... |
|
|
| 12:44pm 24/01/2005 |
| |
mood:  calm
|
I should go now, parang hindi na kasi ako happy dito. You know. And besides marami akong nakikitang mas magandang opportunities doon sa iba. Mas maaplay ko yung gusto ko doon.
Magkikita pa rin tayo, siguro, paminsan-minsan. At kung gusto niyo akong puntahan o dalawin ay bakit hindi. Malapit lang naman ako. Winsky parin pero sa ibang dako roon.
Maghintay lang kayo ay may sasabihin pa ako. |
|
| |
|
|
| |
| The Movies in my mind |
|
|
| 10:32am 20/01/2005 |
| |
How many % is your program?
70% na po
*********We have to finish it this January
Nakatambay lang kayo dito.
Isara mo ito!!
Bakit mo ito binuksan.
Soy, unawain mo sila, malaki na ang binabayaran ng ate mo sa kuryente.
**********Merns, wag muna kayo pupunta dito.
Bakit kuya Josh?
Nag-away kami ng ate ko.
**********alam mo yung feeling, maraming may gusto sa iyo?
yeah...
**********So ano nagsayang lang ba tayo ng pera?
Ang pera kahit kailan hindi nasasayang, ginagastos lang.
**********At anong gagawin ko...tapos kailan babalik sa normal?
Hindi ko masasabi pero malamang hindi na sa ngayon.
*********Sa totoo lang gusto ko nang umalis dito or you know, mamatay na!
Wag! It will be too easy for them.
------------------End of scenes------------------------------------------- |
|
| |
|
|
| |
| After Christmas. |
|
|
| 08:34pm 27/12/2004 |
| |
mood:  full
|
Nais kong batiin ang mga kaibigan ko rito
Merry Christamas and a happy new year.
napakabilis ng araw. pero andaming nangyari.
Yesterday, pumanaw ang Tito ko sa fatherside.
Today, nasa ospital si Nichi dahil para i-chemo, medyo lumala ulit.
Hay, Nakakaawa rin yung mga biktima ng Tsunami sa Indo, India at Thailand.
Itong year 2004, matatapos na lang andami pang pahabol.
Ewan ko ba! |
|
| |
|
|
| |
| Wala naman akong masabi |
|
|
| 12:40pm 20/12/2004 |
| |
mood:  blank
|
Wala pa. as in wala pa |
|
| |
|
|
| |
| Nung araw ng Fiesta |
|
|
| 11:00am 09/12/2004 |
| |
mood:  content
|
kahit kulang sa tulog, ang maagang paggising ang siyang pinilit para makapunta sa appointment kahapon. Wala ngang pasok ngayon dahil fiyesta sa Buong Pilipinas lalo na sa Pasig. So pumunta kaagad ako kina tonet para makipagkita sa grupo at nang makaalis na. So, as usual babagal-bagal si Tonet. Mga nine na kami nakaalis. Ang hirap pa sumakay. Pagdating sa Komisyon ng Wikang Filipino, aba'y naroon si Dr. Matienzo. AT dahil doon napapirmahan na namin iyong form.
Okey, tapos na ang misyon at maaga pa. Dahil dito, naisipan namin na pumunta ng Quiapo para mamasyal. Ang daming paninda (obviously, Quiapo iyon). Nakakpanibago dahil noong pumunta ako rito hindi pa ganito ang hitsura noon.
Ang tagal naming nag-iikot. Marami akong nagustuhan kaya lang hindi ko nagugustuhan yung pakikipagtawaran sa akin. Alam ko kung magkano talaga ang pagpatong ng tubo sa paninda, ako pa e nagtinda rin ako sa kalye! Si Viky lang ang nagshopping galore.
Pag-uwi, dun lang ako nakakatanghalian at alas-sinko na iyon.
Maingay ang fire works sa labas, pero amazed na zmazed ang li'l bro ko sa ganda nito. Hindi ko dama ang fiyesta pero somewhat okey naman ang nangyari ngayong araw na ito. |
|
| |
|
|
| |
| Free Windows XP Service Pack 2 |
|
|
| 04:29pm 07/12/2004 |
| |
mood:  happy
|
Akalain niyo't dumating na ang free SP2 ko mula sa Microsoft. After 5 weeks! Akala ko hindi na darating. Palibhasa, yung sa ibang mga kaklase ko last November pa nagsipagdatingan, akin lang ang nahuli. Pero ngayong pag-uwi ko, narito na siya!!!
Okey yung CD huh!
Kung gusto niyo rin punta kayo sa MSN at isearch niyo yung free Windows XP service pack 2.
Pamasko ko na iyan sa inyo : ) |
|
| |
|
|
| |
| A bullshit story |
|
|
| 06:39pm 02/12/2004 |
| |
mood:  pissed off
|
Isang araw, sa lugar na tinawag na lungsod ng Pasig, nagtype ang dalwang magkaklase ng letter para sa pupuntahan nilang interview kinabukasa. Dahil wala kapwang printer, nagpunta sila sa malapit na computer rental para, nao pa kundi, magpaprint. So pumunta kami roon, binigay ni Vicky yung diskette. Agad namang binuksan ng owner ang diskette. Hindi ko napansin nung una. Buti nakita ko na binuksan na pala niya at agad kong sinambit yung ngalan ng file. Eh di yon pinrint niya.
Aba naman, sa short pinrint!
sabi ni Vicky, "Ay ba't sa short?" me: "Ba't short?"
owner (na stupido): "Eh wala kayong sinabi," pagtataas niya ng boses. Mahina ang tenga ko kaya alam ko kung nagtataas ng boses ang tao sa akin. Lalo na ngayon iba ang tono niya. "Hindi niyo sinabi na hindi sa short."
I insisted na bakit short?! sabi niya hindi daw namin sinabi na short at pinalalabas niya na fault namin, at inaangasan niya kami sa harap ng ibang tao roon. Ay naku, narindi ako at hindi nagpatinag! Ako pa, hindi paipinapanganak ang hahahamak sa akin noh!
Sabi ko, makikita naman diyan sa rulers kung long or short, e. Aba naman ang rason niya ay dapat daw sinabi namin na sa long , e heto siyang nag-assume na short at hindi man lamang kami tinanong. Sabi niya,"yung iba diyan sinasabi nila na sila na iprint sa papel nila. Hindi niyo sinabi kung sa karton ba o sa iba, sa long ba o hindi... " At talagang pinagdiinan namin. "Sinong may kasalanan niyan ako?" sabi ko, "Kami ang kostumer, kaya kami ang tama!" aba't ang lolo'y hindi nasindak at natatatalak pa rin. talagang pinagpilitan niya na fault namin. Sabi niya "Ano ipiprint pa ba?" Sumagot agad si Vicky"Oo." Naunahan niya ako pero ang totoo gusto ko nang umalis doon. abang piniprint niya sabi niya, "o seven ang ang long!" Ang kapal ng mukha at gusto pang pabayaran ulit itong long copy imbis na padagdagan ulit ang namali niyang pinrint! At take note, nagdadakdak pa siya na kamalian namin lahat. Pinaririnig sa buong madla! Sabi ko:"Tama na ho, nangyari na!" patuloy pa siya. sabi ko: "kung may printer kami sa bahay hindi kami dito magpapaprint!" patuloy parin siya. Sabi ko: "Tama na ho parang walang away hindi na ako magpapaprint dito kahit kailan!" sabi niya"Talaga!!" Sinong hinahamon niya? Ako excuse me! Ako pa na malakas ang impluwensya, My gulay hindi niya kilala ang hinahamon niya (although, kinakabahan na ako nung oras na iyon!) Binayaran ni Vicky ang seven pesos. Kinuha niya yung naprint mula sa babaeng assistant. Umalis ako. Aba't pagtalikod ko ay tumayo siya sa inuupuang monoblock chair at tinadyakan ito. Dumagundong ang tunog at nagulat ako (actually kinilabutan ako at feeling ko ay uumbagan na ko) Pero with pride akong lumabas ng store niya. Hinintay ko si Vicky at pagkita ko sa kanya aba naman, nanlilisik ang tingin sa akin. So ang ginawa ko, nilisikan ko rin siya ng tingin. Palakihan ng mata ba ang hamon niya, kaya kong iluwa ang mga mata ko sa oras na iyon! Pero ang totoo talagang nasisindak na ako sa kanya at parang kakain siya ng tao sa tingin niya. Parang any moment na magbitaw pa ako ng winner lines ay hahabulin niya ako ng suntok, or worse, babarilin kung nagkataon.
Pagdating sa iskul, pinamalita ko na agad ang ginawa niya. |
|
| |
|
|
| |
| PS2 |
|
|
| 12:51pm 25/11/2004 |
| |
mood:  lonely
|
Sa isang araw na maaaring mabuhay ang tao, maraming bese pwede niyang maranasan ang swerte. Noong isang linggo, nanalo ang ate ko ng PS2 sa raffle nang umatend siya ng seminar tungkol sa JAVA. Brand new, as in kumikinang sa ganda ang super game machine na ito nang makuha ng ate ko. Tulad ng ibang bago, pinaadjust niya ito para tumalab ang ibang pirated games na binebenta sa labas. Bumili ang ate ko ng dance pad, dahil yun naman talga ang gusto namin sa mga Play Stations. That week end, nilaro namin ito at talaga namang namintig ang mga binti at hita ko sa mga dance step ng Dance Revo. Masaya talaga. Kahit every week end lang, talagang naa-unwind ako sa PS2. The following weekend, naglaro ulit kami at say nyo, nakukuha ko na yung standard mode(3rd level sa dance revo). Unfortunately, yung may-ari ng bahay namin ay gusto na kaming paalisin ng bahay. Mula ng naging weekly ang ospital ni Nichi, nadelay ang monthly payment ng mudra ko sa bahay. So, ang ending, ibebenta na lang ang PS2 para hindi kami mapunta sa kalye. So sad...
So kayo diyan, if ever gusto niyo ng Ps2 tulad ko, meron kami rito P10, 800 siya, as in one week pa lang. Kumpleto sa dance pad, 2 controllers, ilang bala at memory card.
kalungkot, kasi pati yung dreamcast namin binenta na. |
|
| |
|
|
| |
| Tutor or Torture? |
|
|
| 05:15pm 21/11/2004 |
| |
mood:  confused
|
Meron ang dilema (kung dilema ba talaga o hindi, hindi kosigurado) pero naguguluhan talaga ako. Meron nag-ooffer sa akin na mag-tutor sa dalawang bata samay Phase 7 ng Greenwoods. Medyo malayo at magastos na rin sa pamasahe. Hindi talaga ako makatanggi, una, dahil na-build-up na ako ng friend ko sa mother nung dalawang bata. Last night kinausap ko siya para makipagnegosasyon (in which hindi ako magaling). At mula roon nagkaroon ako ng dalawang choices na ang hirap pagpilian.
Una (1) ang offer niya ay 1,500 sa isang buwan. Sinabi ko sa kanya na ang dati kong tinu-tutor ay 500 a week ang aking nakukuha. 5 times a week iyon at isa lang ang tuturuan. Although sinabi ng misis na matalino ang bata kaya mala-guidance and checking lang, dalawa iyon at malayo. Lugi ako sa pamasahe kung papatak na 375 per week. Dalawa pa yung bata. E yung dati ko, wala akong ginagastos sa pamasahe dahil kapitbahay lang namin iyon, at isa lang ang tinuturuan ko.
Kung saka-sakali, mababa parin ang 2 thou kada buwan dahil iyon na nga ang nakukuha ko last time. Pero 5 days a week iyon. kung minsan nagiging 6 times a week pero bihira. Sa bagong offer, 4 times a week. Pero my gulay, graduating ako ngayon. Marami akong sinasakripisyo kabilang na roon yung oras ko. kaya kulang ang 2 thou. Ano'ng gusto ko? above 2,500 para sulit. Nakakapagod magturo sa totoo lang. At ini-imagine ko na pagkatapos ng session namin, magtatricycle ako pauwi na ang tagtag at nakakasulasok ang mga usok na sasalubong sa akin. Mahirap tumbasan ng pera iyon.
Sabagay, noong nagtuturo ako ng 500 a week, sulit iyon dahil natutuyuan ako ng laway dahil mahina ang alaga ko noon. Makulit pa at maypagkabastos na bata. Spoiled brat kasi. Yung ngayon, palagay ko mukhang matino naman. Naman! Ang nanay, Magna cum laude sa PUP, at ang tatay, empleyado ng Intel. Say niyo! Kaya parang okay na rin.
Pero parang ayoko magtutor na. Natroma ata ako sa dating tinuruan ko na sobrang kulit na bata. Nakakapagod pati iyon. Lalo na ngayon na marami akong ginagawa. Kung hindi ko lang talaga kelangan ng pera, my gosh, hindi ako magkakaganito. Pero hindi naman puro pera. I am willing to share my knowledge and use my talents and skills para makatulong sa iba. Yun nga lang pagganitong aspekto na ang pinag-uusapan, nalalayuan parin ako.
Kung mapapagod rin lang ako, ayokong mapunta sa pamasahe ang kikitain ko. mas mabuti pang nasa bahay ako na walang pera kaysa may barya sa bulsa at natagtag ang katawan at napiga ang utak.
Hindi ako makapag-price. Ayoko naman lumabas na mukhang pera, pero sa panahon ngayon, wala nang mura. Baka mamura ka na lang. Pero ang kahabagan ko, parang gusto kong i-try kahit 1500 parang tulong na lang sa kanila sa loob lang ng isang buwan....Pero hindi! Katawan ko ang kawawa.
Hay ang hirap mag-isip. Go? or No? Hmm, parang game ka na ba. E kung doon na lang ako kaya sumali? Well Ibang usapan na iyan. |
|
| |
|
|
| |
| Nanalo na naman ako sa Contest |
|
|
| 05:11pm 21/11/2004 |
| |
mood:  jubilant
|
Natutuwa ako mga kaibigan dahil nanalo ako sa Quiz Bee kahapon! First Prize at ang saya-saya!
Todo review ang ginawa ko no dahil last time na may ganyan ay papetiks-petiks lang ako. ngayon hindi na. Iba na talaga paglast sali mo na. Nakakatuwa rin dahil todo suporta ang ilang prof ng college namin kahit nung una ay inalis nila ang name namin sa contestant list. Ganito iyon, si Allan A. ang unang nakaalam nung kontest last week. Kinuha niya agad yung rules at form at hinanap ako para bumuo ng team. Anim ang isang grupo. So, Kami ni Mark marc, Tristan, Tonet at Vicky ang sumali. Akala namin okey na. Review kami ng puspusan dahil gusto namin manalo. Kinabukasan kinumpirma sa akin ni Allan A. na okey na ang pagsali namin. Aba naman, nung kontest day, kahapon iba ang nakasulat na pangalan sa listahan ng mga kontestant. Nagpunta ako si Mark marc sa dept head namin para magreklamo. Well, itong si Dept head namin ay (mahirap idescribe pero kainis siya talaga) kinausap kaming gustong sumali sa kontest. Wala si Allan A. dahil may trankaso (pero sabi ni Jenefer ay tinrakaso si Bakla dahil nahuli ang papa na may ibagn girl!). Kaya pala napalitan ang mga pangalan namin ay dahil hinarang ni Boy Negro (isang baguhang prof na alam niyo na ang kulay ng balat niya) . Sinabi niya na huwag na raw 4th year dahil maraming ginagawa sila. Hey! kung marami kaming ginagawa, bakit kami magvovolunteer sumali? At kung pinalitan nila kami, bakit hindi nila kami sinabihan? So ang nangyari, Dalawang kontestant ang nagback out or give way na rin para makapasok kami ni Vicky. So kami ni Vicky ang nakapasok sa grupo. Okey na yun kahit nalungkot sina Mark marc, Tristan, at Tonet. At tiyak ko na magagalit rin si Allan A. kung naroon siya, sigurado na magtatalak siya kung nagkataon.
So sa kontest, sino pa ba ang naging pwersa? Di ako!
Eto pala ang ibang mga tinanong sa kontest:
Q: Sino ang unang gumamit ng equal sign (=) ?
Q: Ano ang ibang tawag sa motherboard?
Q: Ano ang tawag sa removal of Oxygen?
so iyon, nakakatuwa dahil may pinatunguhan naman ang mga nireview ko.
Sa susunod na kontest ulit, he he he. |
|
| |
|
|
| |
| A Lame Week |
|
|
| 12:07pm 12/11/2004 |
| |
mood:  bored
|
Tiring it is to work and think of the things you will work on. Can't have my own moment. And the good fellas you expect are not as supportive as they should be. During our "encoding" moments I accidentally opened a very not-so-good clips in my media player. (I'm not telling the details but) it was a disaster! I was shocked and humiliated in front of my good fellas. Good thing those clips were funny and disgusting, and not even mine! Last wednesday's my mom's 47th birthday. But my good fellas and I set a meeting to continue our "encoding" moments. Ay aba! they were late in the highest degree of a polynomial! Anyway, i have no energy to get mad since I washed every mountain of dish in the sink.
So that night, a small dinner with friends made my day. We sang songs in the videoke and had funny moments. But the next day, things are back to normal. I mean I have classes again (i have no class every wednesday) and my professor is late. School is boring than ever. Not to mention that I am leaving it soon. I see no fun in going there anymore. The bad rainy weather contributed a drowsy feeling in which i took advantage by staying on bed till noon.
When I came home, there is nothing to do. Nothing to do. Totally boring to the highest degree of a polynomial.
Another lousy week. I could describe it in many not-so-good words but it is more hellific than the others. |
|
| |
|
|
| |
| Picture nila QAF |
|
|
| 01:48pm 07/11/2004 |
| |
Ganda naman ng pic na ito

e ito...
 |
|
| |
|
|
| |
| What's Love Got to do With It? |
|
|
| 01:29pm 07/11/2004 |
| |
mood:  optimistic
|
Well, love is a powerful word and I don't think I am entitled to use it. Though it is my dream to have one, I still have doubts about it. Why? Well, let's just say that most people I see around that are in-love do not stay in-love as we hope they would be. The worst part is that, many of those who are in-love are really in love with their partners at the beginning of their relationships, and then at some point, their love weakens(?) and so they fight most of the time but still stay in one house just for the sake of their children.
When it comes to love I am idealistic, and I couldn't help but wonder, how good will I do when I will be in love?
How Love-Smart are you? Oprah's Prodigy |
Oprah would be proud. You know what love is and what you need to do to get it. You show great sensitivity and seem to be able to read those subtle love cues. Ever thought of becoming a talk show host? |
How Love-Smart are you? Find out at DatingTips.ws
Hmmm, I hope this test is true. Cause in my heart, there is a bunch of love, inexperienced and untouched, and waiting for someone who can handle it with care. |
|
| |
|
|
| |
| Paumanhin |
|
|
| 04:45pm 05/11/2004 |
| |
mood:  relaxed
|
Antagal ko na talagang hindi nakakainternet.
Siyempre pag nawalan ng pasok, alang pera.
Ang dami nang nangyari.
Hindi ko namalayan.
Ang bilis, kakaiba.
Ang message box ko ay umaapaw na.
60 people na iniinvite ako. ang saya!
Dito sa Blurty, nakakamiss.
Puros pahabol ang entries ko ngayon dahil nahuli.
About sa halloween special,
later na lang.
Lang time pa ngayon. ok. BYE! |
|
| |
|
|
| |
| Enrollment |
|
|
| 04:14pm 05/11/2004 |
| |
mood:  hyper
|
Ang ninth at last enrollment ko, WORST ever! Grabe ngayon lang nangyari na pumila ako ng five hours sa isang department lang. Paano ba naman, pinagsabay ang batch ng fourth year at third year. My Golly, eh batch pa lang namin mga isang libo na no! Kainis. Mga eight ako nakapunta ng school dahil ang hirap gumising ng maaga dahil almost isang taon na tanghali ang sched ko. Pagdating dun abay'y ang haba na ng pila. Nagkakasingitan pa. Sanay na ako magenrol, naman pang siyam ko na ito. As in binilisan ko talaga sa advising, library, at iba pang eck eck na bayarin. Himala dahil akala ko sa Accounting ako maiipit sa tagal pero yun ang pinaka mabilis. Ten thirty palang ay bayad na ako. Tapos sa Registrar, pumili ako. Yun pala, kelangan ng number. Kumuha ako ng number, parang magbabayad ka ng meralco. Kaya lang ang number ay gupit lang sa cartolina. Window one ang course ko pati yung sa nursing. Okay. Anong number ko? 82. Teka anong number na ba ang sino-serve? 36!!!!!! Naghintay ako. Last step na ito. Okey. Naunahan ko pa nga kumuha ng number yung pumila ng 6:30 am. talagang madeskarte! he he! Aba't ang tagal dahil mag-aalas-onse na at nasa 40+ pa lang. So sige kain muna ng tanghalian. kanina pakong seven kumain e. Pagbalik namin, Abay, nasa 50 palang! As in nakapagkwentuhan na ko at lahat sa anim kong kaklase sobra, at ganun parin. Ang bagal naman. Anyway, hintay parin ako. Nakita ko sina Vicky na nakapila sa Accounting. Pinakukuha ko na sila ng number para mabilis sila makatapos. Yun nga lang hindi sila binigyan. Kelangan bayad ka na para bigyan ka ng number. Walang asenso. Yung numbering ay umabot na sa 100. at yung bobitong guard ay ipinamigay ulit yung 1-49 na natapos na as batch two. 9Parang star circle di ba? Pero kainis ito) Mga magtutwelve, aba't nagbreak ang Registrar. Sige lang nagkekwentuhan namin kami sa lobby kaya go! kain sila. Mga one resume. as in 50-55 palang. Shit dahil 82 pa ko. Usually nga mga 12noon tapos na ko sa enrollment. Nasa bahay na ko at nagpapahinga. Ano ba naman ito! Ngayon lang ako aabutin nang buong araw sa iskul sa pag-eenroll lang! Nabwisit si Mimi ng mga two o'clock. As in 60-65 palang. ano ba yan! isang oras ang sampung tao? Well, pumunta na kami sa Registrar para tingnan ang nangyayari. Hala ba naman! Naroon sina Karen at Ana Marie Dalusong na nakasingit. At ang number nila ay 48, 49 etc. Nakapila pati ang iba kong batch mates na ubod ng kapal ng mga mukha. As in ako ang nauna sa pila ng accounting at pa'nong naroon sila? Napag-iwanan daw ang number nila! Excuse me! Second batch na kayo! Kanina pa yang 60-65 pero kayo ay singit lang. At kung nalagpasan ang number niyo, sorry kayo dahil wala kayo kanina. Dapat ay forfieted na ang number niyo. Pero I am 100% sure nas singit kayo dahil ako ang unang fourth year na nakapagbayad! At yang si Anna Marie Dalusong, kapal ng mukha, kulay yellow ang reg form. Kung nauna siya, bakit hindi iyon orange. E orange talaga ang pang IT. Ibigsabihin nalate siya ng enroll kaya naubusan ng orange. Tinalakan sila ng mga estudyante pero wala silang imik. Bakit? Kasi singit nga. Hindi nila kayang sabihin na "Hoy kanina pa kami no!" Lalo na nung sabihin ko na pababaan ng number sa resibo kung talagang nauna sila sa amin. Eto namang bugik-bugik na encoder sa registrar, ayaw aminin ang pagkakamali niya. Siya kasi ang pumayag na sumingit ang mahigit walo o sampung singit na iyon. Tanga talaga para makipag-away sa kanya kaya deadma lang kami pagnagsasalita siya. So ang ginawa namin ay pumila na lang kami doon mismo imbis na tawagin sa lobby, at ayaw na namin masingitan no! As in pumipila pala ako ng three hours sa wala kanina. So after two more hours at numerous jokes na aking binitawan para hindi mainip, napunta na rin ako sa harapan. Natapos din ako. Hindi naman niya niwrong spelling ang pangalan ko kundi papatayin ko siya. narelease ang class card ko. Aapat lang naman. Diyos mio. Apat na subject na lang inenroll ko tapos pumila ako ng 8 hours ngayong araw na ito, paakyat-akyat pati hanggang fifth floor! So iyon, dumating ako mga past 7:30 natapos ako past 3:30. Bullshit talaga. Anyway last enrollment ko na ito. Worst ever pa. Punyeta! Dapat may discount kasi hinay blood talaga ako doon!
So pagkakuha ko ng mga class cards (na apat lang naman), tuwang tuwa ako. "Approve ang visa mo?" tanong nila. "Oo!" sabi ko.
"See you next sem!" Sabay alis sa pila. |
|
| |
|
|
| |
| An episode tungkol sa Class Cards |
|
|
| 04:09pm 05/11/2004 |
| |
Int.School Lobby.Day Dire-diretso si Winsky at emelia na lumakad sa lobby papunta sa lab B kung saan naroon ang mga class cards. maraming estudyante sa paligid. Naroon si Allan G. at sinalubong siya. Allan G: Winsky, nakuha mo na yung class cards? Winsky: Hindi pa. Saan ba? Allan G: Sa lab B. Naroon sila. Kunin mo dun sa dulo. Winsky: Sige.
Int.School Lobby/Lab B.Day Tumuloy si Winsky sa lab B. Maraming nakatumpok na estudyante at nagtataka sa grades nila. Hindi niya sila pinansin. Nakita niya sina Jeddah sa loob. Hawak ang class cards nila. Winsky: Jeddah, anjan ang akin? Jeddah: Ito o. Kinuha ni Jeddah ang class cards ni Winsky at ni Emelia at inabot sa kanila Jeddah: Kulang pa ng Advanced VB at Tech Write. Winsky: Bakit? jeddah: Wala pa raw. Winsky: Sige kunin ko narin yung kina Vicky. Kinuha ni Winsky ang class cards nina Vicky, angelsiege at Tonet. Emelia: asan na si Ma'am? Jeddah: Wala pa, hindi pa raw tapos. Winsky: Ano ba yan! Dumami ang tao sa lab B. Dumating kasi ang isang babaeng matabang propesor kaya nagkagulo ang mga estudyante. Lumabas na lang silang tatlo.
Int.School Lobby.Day.
Winsky: Hi! Na-miss ko na kayo. Dumating si Tonet kasama si Robert Tonet: Kuya..., nasira yung hard disk ko. Winsky: Kelan. Tonet: Nung gabi na dumaan kami sa inyo (bla bla bla bla...) pagbalik sa kin ni Jeshuel, ayaw na niya gumana.Kalungkot nga e. Winsky: ba yan... Tonet: patingin ng grades mo, Winsky: Wag na mababa. Pero kinuha ito ni Winsky at pinakita pa rin kay TOnet. Winsky: Akalain mo naka- 1-2-5 pa tayo sa Feasibility. nangiti si Tonet. Winsky: Sina Jeddah naka-flat one! Sabay Bow ni Winsky kina Jeddah at Emelia.Natawa ang dalawa. Emelia: Kinumpleto kasi namin. Winsky: E, optional naman yung iba. Anyway. Natanaw ni Winsky si Vicky sa quadrangle. Winsky: Ayan na si Vicky. Lokohin natin. Lumapit si Vicky. Winsky: Vicky, incomplete tayo sa Rizal kasi yung CD na pinasa natin kay Ma'am ayaw magplay. Jeddah: OO. Vicky: Ha? Gulantang agad siya Winsky: Pinauwi na nga namin si Allan (G.) para kumuha ng kopya kina Rolito. Vicky: Paano yan. Winsky: Pero sabi ni Allan (g.) nagplay naman sa player nila. Kinuha ko na pala yung class cards niyo. Inabot ni Winsky ang class cards. Natatawa na sina Robert at Emelia. Nagpipigil sina Jeddah. Walang reaksyon si Vicky hanggang makita ang class card sa Rizal kung saan ang grade niya ay dos. Natawa na lang siya nang marealize na bluff lang lahat. Vicky: Akala ko! nakakainis kayo!!! Tawanan lahat Vicky: Ito lang. Asan yung dalawa pa? Emelia: Wala pa. Winsky: Vicky magreklamo ka ang baba mo sa Rizal. Vicky: Eh, expected na yan kasi nung midterm mababa nga ako di ba. Winsky: Ay sheik! Oo nga pala. Vicky: Aba naka 1 point 2-5 pa tayo dito. WInsky: oo nga e. Kahit na mali yung cover. Uy sina Jeddah naka-uno! Sabay bow ulit kina Jeddah at Emelia Vicky: Ang galing namin Nakipag-appear siya kay Jeddah. natawa naman si Emelia Jeddah: Siyempre. Vicky: Kinareer niyo talaga ha. Emelia: OO naman kahit legal aspect meron kami. Winsky: Ay yun ang wala namin. Kung meron kami nun na-uno rin namin iyan! sabay nila ni Vicky. nag-appear silang dalawa.
(commercial Break)
Int.School Lobby.Day Winsky: May load ka? Text mo naman si Sir kung kelan ang class cards. Allan G: Wala kong load. Eto number niya. pero wala kong lod. Kelan ba yung sa Tech Write? Winsky: Wency, kelan daw yung kay Dalin? Wency: Bukas. Winsky: Bukas daw. E yung sa VB? Wency: tinext ko na nga hindi naman nagrereply. Robert: kararating lang Sa Wedneday pa daw. Winsky: ha. Wency: Ano? Ano ba yan? Araw-araw nandito na tayo. Tapos sa Thursday Enrollment! Winsky: Ano ba yan. Ba't ang tagal? Robert: Yun ang sabi e. Winsky: Uwi na kayo Kina TOnet, Tonet: Hindi dadaan pa kami ng RHS. Kuya Bert! Nagugutom ako. Winsky: Ako rin. Kain tayo Tonet: sige gusto ko sizzling. Winsky: sa may amin? Robert: Diyan na lang tayo kumain. Tonet: Gusto ko sizzling. Winsky: gusto ko sana kaso bebente ang pera ko. Tionet ako nga rin e. Winsky: Tara! Tonet: teka dadaan pa kami ng Rizal high. Winsky: Ha, uwi na lang ako. Tonet: hintayin mo kami. Winsky: Eh, kung may kakainin sa bahay hindi na ko sasama. nalungkot si Tonet Angelsiege: Tara na. Vicky: Tara.Alas-tres na baka masaraduhan pa tayo.
(end of episode)
heto ang mga nangyari ng monday na araw na kuhaan ng class cards. Bumalik ako ng Tuesday para sa Tech Write. Nakuha ko ito kinabukasan na. Kasabay ng Advanced VB. Bumababa ako ngayong sem. |
|
| |
|
|
| |
| Sem's Over! |
|
|
| 11:40am 18/10/2004 |
| |
mood:  cold
|
Nagawa naman namin iyon, lahat ng pinapagawa ay natapos namin. Nasubmit on-time gaya nang pinlano; kailangan lagi iplano. Mahirap na ang magkamali. An'dami nga lang nangyari. Maraming sakripisyo, at maraming hirap. Iyang katatapos na linggo, sunud-sunod ang trabaho. Mula sa pag-edit ng mga documents ng Fesasivility studies, refill ng ink ng printer, pagpila sa magulong sistema para sa clearance, ang pag-aaral sa examsng Networking at English, ang pagprogram ng Video Rental System, ang paglalagari sa CD writer ni Jaynie, editting ng written report sa Rizal, Video transfer ng outreach program, lay out ng Networking, redo ng coding ng advanced VB, paglakad sa hardbound ng documents at submission ng iba pang che-che-bureche sa school at Profs. Kinailangan kong gawin lahat. Kahit last day nung friday gumawa paron kami ng Saturday at Sunday dahil kulang talaga sa time. Ako'y sobrang napagod pati ang bulsa ko. Pati ata ang printer namin, ayaw na kasing magturn on. Nakakabwisit! At nakakahiya sa sis ko. Pero nung Saturday naman nakaprint pa ako. Ano kayang problema nito ngayon? kaasar! Masyadong mabigat ang sem na ito dahil sa mga nangyayari. Affected ako pati na sa bahay. Masyado akong personal ngayon at gusto ko ring ikumpronta ang mga friends k. May mga kalokohan kasi silang pinalampas ko. Dapat ipamukha ko ito sa kanila. Siguro dahil nga graduating ako kaya ganoon. Ewan! Basta! |
|
| |
|
|
| |
|
|