| Atang: Isang Dulang May Musika. |
|
| 11:09am 04/02/2009 |
| |
mood:  content music: Popular - Kristin Chenoweth
|
Madaming nanood sa mga last performances ng Atang sa Wilfrido Ma. Guerrero Theater sa UPD. Last Sunday morning, Arlo and I arrived to a blockbuster hit. Kahit na sabihin kong puro students na required viewing, puno pa rin siya. Dun naman kumikita ang mga plays, hopefully these kids learn to appreciate the art and Atang.
Sino nga ba si Atang? Eh ang kilala na lang ng mga bata ngayon eh si Bella at Edward, si Blair and Serena, si Angel and Piolo, si Richard and KC. Mahirap siguro ipakilala sa ating henerasyon ang isang artista na sumikat noong nagsisimula pa lang ang pelikulang Pilipino.
Kinilala si Honorata “Atang” dela Rama bilang National Artist for Theater and Music noong 1987 ni dating Pangulong Corazon Aquino. The recognition puts her in the league with other artists who gave major contributions to music, literature, dance and visual arts. Ngunit ano nga ba ang halaga nito kung wala namang nakaalala.

Ang dula ay mula sa panulat ng premyadong mandudula at director na si Floy Quintos. Alexander Cortez directs the play which had its first run in the last quarter of 2008. Taong 1987, tatanggapin ni Ka Atang ang parangal bilang National Artist. Sabay nito, isasapelikula ang talambuhay ni Atang na bibigyang buhay ng ambisyosang artista na si Gia Almonte. Bilang gampanan ang papel ay binisita ni Gia si Ka Atang. Binalikan ang kanyang simula sa pagtatanghal, pagsikat, mga pag-ibig at pasakit.
Weaved between the repartee are kundiman songs made famous by Atang dela Rama. It takes chemistry and good timing to pull off the material. Ayen Munji-Laurel delivered a good performance as the ambitious Gia Almonte who wants to leave her nymph image. Frances Makil-Ignacio gave a “back breaking” portrayal of the legendary Queen of Kundiman. She was both comical and stirring act in her delivery of her lines. Both actress brought energy to an easy Sunday morning show. Aside from the lead actors, Bituin Escalante stole the show as Katy dela Cruz.
Kauna-unahang superstar bago pa dumating sina Ate Vi at Ate Guy. Malaking recording at concert artist bago pa si Megastar. Bago pa pinagkaguluhan ang kagandahan ng mga babaeng nakahubad sa FHM at Maxim, nabigag na ni Ka Atang ang puso ng mga kalalakihan kahit naka baro’t saya ang lola nyo. Nakakaaliw ang batuhan ng linya ni Ayen and Frances kaya naman natatawa naman sa mga punch lines ang mga nakakabatang audience.
Parang musical education na rin dahil inawit ang ilang makabagbag-damdaming kundiman. Malinis ang pagkaka-awit ni Ayen sa mga klasikong awitin. Bonggang bongga din ang mga terno na suot nya the whole show. At wag nating kalimutan, ang mga diamonds! Masakit sa mata pag tumama ang ilaw….nakakasilaw!
Ano ba ang nakuha ko sa play? Para sa akin, it talked about legacy. Ang tao madaling makalimot, ang kasikatan ay kumukupas. Sana bigyan natin ng halaga ang mga kontribusyon na iniwan sa atin ng mga bayani, manunulat, kompositor, actor, atbp. Isa pa, may natutuklasan tayong mga bagay na minsan ay sisira sa alaala ng mga taong tinitingala natin. Madalas, mas nabibigyan nang pansin ang mga bagay na ito at natatabunan ang tunay na dahil kung bakit natin binabalikan ang kanilang nakaraan.
Gumawa tayo ng sarili nating kontribusyon sa ating pamayanan. Matuto sa mga aral ng nakaraan at pagandahin ang bukas na darating. |
|
| |
|
Read 5 - Post |
| |
|
|