Baler   
09:50am 07/01/2009
 
mood: moody
Historical dramas are hard to come by in Philippine cinema nowadays. There are many factors to this. One is budget.

Mahal ang budget sa isang period film. Kailangan mag research ka talaga para maging makatotohanan ang kwento, tama ang detalye ng mga costume, ang mga dayalogo ay ayon sa panahon ng salaysay, atbp. Mahirap sumugal dahil di ka rin sigurado kung papatok ito sa panlasa ng Pinoy audience. As we all know, talo ng Holywood films ang mga locally produced films. Sa ganda ba naman ng mga special effects at galing ng marketing eh talaga namang papasukin mo ang mga foreign films.

Metro Manila Film Fest na lang yata ang naghihikayat sa mga film producers para gumawa ng pelikula. This year, Viva Films official entry is “Baler.” Casting pa lamang perfect na! The very Filipina looking Anne Curtis will essay the role of a barrio lass who fell in love with a Spanish mestizo soldier played by caramel skinned Jericho Rosales. Di pa ang saya!

Baler

Di ko akalain na ang lahi pala natin any may natural na mamula-mulang buhok at ganda talaga ng bagsak ng buhok. Kahit hard water ang pinaliligo natin noon ay mukhang alagang salon ang buhok ni Anne. Walang effect sa kanya ang sunburn at paglalakad sa araw. Sana man lang ginawang mukhang pinay ang bida. Ano ba naman ang gumamit ng dye para paitimin ang buhok. Gumamit ng bronzer para maging morena si Anne. Si Ogie nga nagpa make up ng dark para maging Luga Luda sa Desperadas.

Sabi naman ng friend ko na nag Spanish classes, di tama ang enunciation nila Baron Geisler and company sa mga Spanish lines nila. Pwede naman siguro kumuha ng language coach.

Daming areas for opportunity ang “Baler.” It could have been written better. Di ko rin masyadong gusto how the women are portrayed sa film kasi di man lang nag-display ng sense of nationalism ang mga babae. Umiibig lang sila, yun lang. Sana man lang sinulat na gusto rin nilang maging malaya at wakasan ang pang-aabuso ng mga Kastila.

Gusto ko yung “Crying Ladies” na dinirek ni Mark Meilly kaya naman na-disappoint ako sa movie na to. Weak ang story telling nya dito. Mas fluid yung nauna niyang work. May narinig nga akong mas mukhang period film ang low budget na indie film na “Concierto” kesa sa Baler.

Concerto

Sana lang bigyan talaga ng artistic freedom ang mga director, writer at crew para mas magawa nila ng polido ang isang pelikula. I believe that we have great artists that would shine here and abroad given the budget and free rein on their craft.
 
    Read 18 - Post