| Moral |
|
| 07:42am 01/01/2009 |
| |
mood:  contemplative
|
Directed by Marilou Diaz-Abaya Written by Ricky Lee
Pinalabas noong early 1980s, isa na ito na maituturing na classic ng Filipino cinema. Noong mga panahon na iyon, makabuluhan ang mga ginagawang pelikula ng mga producer at tinatangkilik naman ito ng mga tao.
Hindi ko pa napapanood ang “Moral” kasi wala na akong makitang kopya. Di ko naman maabutan sa cable kung maipalabas man ito. Nakita ko lang ang screenplay sa bahay ni Arlo at binasa.
Paumanhin sa stereotype, akala ko puro sex lang ang laman ng movie kasi nga “Moral” ang title. Weird ko noh? Moral nga ang title so it has to be about morality pero inisip ko sex at violence ang content.
Katatapos ko lang din basahin ang unang nobela ni Ricky Lee, “Para Kay B,” kaya dun ko na lang ipapasok ang insights ko tungkol sa nauna niyang likha. May mga napansin kasi akong mga pagkakapareho ng dalawang akda kahit na halos 26 years ang agwat nila. Parehong mga babae ang lead characters ng novel at ng screenplay. Di sila mga babaeng tulad ni Mara at Esperanza na sobrang bait, may mga hang-ups sila sa buhay.
Si Kathy (Gina Alajar) ay bilib na bilib sa singing talent niya na siya lang ang nakakapansin. Si Sylvia (Sandy Andolong) naman ay may anak at hiwalay sa asawa nyang bading. Si Maritess (di na sya active ngayon) ay sunud-sunuran sa asawa niyang ang pangalan ay Dodo. Joey (Lorna Tolentino) ay walang permanent address kasi ayaw mag stay sa magulang nya. It follows siguro na mag fall siya kay Jerry na naging aktibista na eventually naging NPA.
Sila ang mga karakter sa moral. Parang Gimik or TGIS (para sa new generation Dawson’s Creek, 90210, Gossip Girl) na may social relevance noong 1980s. Samahan ng barkadang babae na may iba-ibang trip.
Eh bakit nga ba “Moral” ang pamagat?
Kasi may mga sitwasyon na napasok ang mga karakter when they need to weigh kung ano ang tamang gawin. Moral ba na magpa-abort ng bata? Papayag ka bang ibigay mo ang katawan mo sa asawa mo kahit pagod na pagod ka na? Sapat na ba na sumikat ka kahit di ka naman ganun kagaling? Ok lang ba maging number 2 or number 3? Masama bang maging kaibigan mo ang lalaking pinalit sa yo ng asawa mo?
Yun ang mga pinag-daanan ng mga pangunahing tauhan sa pelikula. May mensahe siyang pag-iisipan mo at talagan namang importante pero na deliver naman siya na di pilit. Ang mga tao kasi ayaw ma-sermunan. Mas maganda siguro na magbigay ka ng aral but let them realize ang tama kesa ipipilit sa yo. Sana mapanood ko rin ang movie. Sunod ko susulat yung tungkol sa “Para Kay B.” I’m still digesting it eh. |
|
| |
|
Read 2 - Post |
| |
|
|