| [ |
mood |
| |
contemplative |
] |
| [ |
music |
| |
afraid for love to fade before it can come true |
] |
astig kasi yung story kaya i decided na i-post na din dito at mag-comment... (imbes na gumagawa na ako ng paper sa conact, busipol,audprin eh eto update muna...huling post ko eh nung nagpunta pa sa laguna with noel...hindi ko nga nailagay dito yung greenhills shopping eklat and yung LEAP) ------------------------------------------------------- May mga iba't-ibang shoes daw...
1. The over-used shoes When I went to Davao for Christmas vacation in 2001, I found what I think was the best shoes I've ever had.
It was a blue and white slip-ons with a flower on its strap. Margay ang tatak niya.
Ang tagal ko na naghanap ng blue na kikay slip-ons at doon ko lang sa Gaisano Davao nahanap iyun. And I bought the shoes for 500 lang! Feeling ko pa, suwerte ako dahil last pair na iyun. And it was my size!
Sobrang natuwa ako sa kikay kong sapatos. At napakalambot niya! I wore the shoes everyday because they would match anything... denim, slacks, capri pants, skirt, dress.
Gamit ko siya in the office, at the mall, in church, even at the beach! Dahil araw-araw ko siyang nagamit, at nasuot ko na siya sa kung saan, it was expected na wala pang isang taon ay sira na siya. Sabi ko, okay lang. May Margay naman sa Robinsons saka sa Landmark, siguro naman may ganoong style pa sila.
Ngunit napuntahan ko na lahat ng display ng Margay pero wala akong nakitang katulad nang nabili ko sa Davao. Nakadalawang uwi na ako sa Davao at pumupunta ako sa Gaisano, umaasang may makikita akong ganoon klaseng sapatos.
Hindi na nga ako naghahangad ng eksaktong ganoon eh. Kahit na kamukha lang o kasing-lambot lang, okay na.
Kaso wala.Iyong kikay blue Margay na slip-ons ko -- na malambot at may naka-angat na bulaklak sa strap, na bagay sa kahit anong damit ko -- ay sira na ngayon. Hindi lang siya sira, nangingitim na sa dumi, at hindi na kayang i- glue ang punit na talampakan.
Pero hindi ko pa siya maitapon-tapon. Hindi ko alam kung bakit. Alam ko hindi ko na siya maisusuot uli, pero may reminder naman ako na once upon a time, I had a perfect pair of shoes.
Hindi ko nga lang inalagaan.
Lesson learned: Kapag nahanap mo na ang bagay o tao na sa tingin mo ay perfect na para sa iyo, ingatan at alagaan mo.
Huwag mong abusuhin. Kapag nawala sila, baka wala ka nang mahahanap na kapalit. At habambuhay mo na lang iisipin na "sana, inalaagaan ko siya."
2. The "maganda siya pero masakit" shoes May fini-fit ako noon na sapatos sa Celine. Okay lang ang presyo.
Maganda ang material. Kikay ang hitsura. At kapag suot ko, nakaka-sexy ng paa. May isang problema nga lang... masakit sa paa. Pero cutie kasi siya eh. Saka on sale. At sadyang matigas ang ulo ko.
Kaya ayun, binili ko. Sa umpisa, okay lang naman. Keri ko. Saka masakit naman talaga sa paa ang bagong sapatos.
Pero habang lumilipas ang oras, lalong sumasakit. Hindi siya meant sa pangmatagalang suot. Habang suot ko siya, parang gusto kong umiyak sa tuwing humahakbang ako. Pagdating ko ng bahay, puro sugat at galos ang paa ko. At ilang linggo din akong may peklat sa paa dahil sa diyaskeng sapatos na iyun.
Kapag sa umpisa pa lang, alam mo na masakit na sa paa at hindi mo puwedeng suotin ng matagalan, huwag mo nang bilhin. Bakit mo pa itutuloy kung alam mong masasaktan ka lamang kapag sinuot mo?
Parang pakikipag-relasyon din iyan eh. May mga lalake na good on paper, bagay sa iyo, tipo mo nga eh. Ang kaso, panandalian lang siya. "Boylet" lang kasi unavailable siya.
Bakit mo pa itutuloy kong alam mong eventually ay masasaktan ka lang? Sana, habang maaga pa, iwasan mo na.
Lesson learned: Kung sa umpisa pa lang, alam mo na masasaktan ka lamang sa bandang huli, huwag mo nang ituloy. Baka mag-iwan pa iyan ng scar na hindi mo na maaaalis kailan man.
3. The shoes that got away May nakita akong magandang sandals sa Landmark. Mura lang, less than 500 lang siguro. Kakaiba din siya kasi hindi siya iyong style na makikita mo sa babaeng katabi mo sa MRT.
Black and white siya. Polka dots ang strap niya pero hindi cheap ang dating. Ang kikay nga eh. tapos, two inches iyong heels niya. Sinukat ko minsan, ang ganda sa paa!
Kaya lang, hindi ko siya binili. Kasi, kakaiba siya eh. Mahirap hanapan ng ka-match na damit at bag. Saka kakabili ko lang kasi ng isang sandals kaya sabi ko, next pay day ko na lang bibilhin ang polka dots na sapatos na yun.
Madalas akong dumaan sa Landmark at nakikita ko ang sapatos na gusto ko bilhin pero hindi ko mabili-bili. Ilang pay day na ang dumaan pero hindi ko pa rin siya kinukuha para iuwi.
Hanggang sa dumating ang oras na kailangan ko ng isang kikay na sandals na may print. Naisip ko agad ang polka-dots na matagal ko na gusto bilihin.
Pero pag-punta ko sa Landmark, wala na siya doon. Naubos na. Ang ending, napabili ako ng ibang printed na sapatos na hindi ko naman talaga gusto pero wala akong choice kasi kailangan ko na nga.
Lesson learned: Kung magpapaligaya sa atin ang isang bagay, seize the day! Sa kaka-delay, baka mawala lang sa atin ito at mauuwi tayong nagse-settle sa hindi naman talaga natin gusto.
Mas mahirap pagsisihan ang mga bagay na hindi mo ginawa. Wala na yatang mas masakit pa sa thought na abot-kamay mo na lang, pero pinalampas mo pa.
Sino ba naman mag-aakalang may mapupulot pala akong leksyon sa mga sapatos? Kaya nga panay bili ko eh, para mas marami pa akong matutunan.
Sa susunod, I will find lessons from bags naman para ma-justify din kung bakit sandamakmak ang bags ko. -----------------------------------------------------------
Astig talaga yung story...majority dito agree ako...binabasa ko nga mga entries ko the other night, i was reflecting sa mga taong dumating, nakilala ko at dumaan lng sa buhay ko..yup! dumaan...ksi almost all of those guys were just part of my past... pero they gave naman lessons that i can ponder and carry for the rest of my life.... hindi ko pwedeng ilagay na they left me...kasi it was my decision din na lumayo...hindi sa selfish ako or what...pero im just scared and coward pagdating sa mga bagay na yun... parang sobrang protective ako sa sarili ko... ayaw ko ng mga risk cause im afraid na baka in the end eh masaktan lang ako ulit at hindi ko na naman alam kung saan ako magsisimula...thats the sad thing about love...
pero siyempre ironic nga diba sabi nila...hindi lang puro sakit at pasakit yung love...kaya nga marami pa rin ang may gusto niyan kasi iba yung feeling...i can attest to that kasi "na-inlove" na din naman ako... its a wonerful feeling na habang buhay mo i che-cherish at babalikbalikan...pero siyempre pag tapos na...hindi ka na dapat mabuhay sa nakaraan... ang dalhin mo lang eh yung memories at lesson na nakuha mo... hindi kasi pwede na umasa at mabuhay sa nakaraan...hindi na iyon yung ngayon..kahit pa sabihin mo na sobrang saya mo nun..bakit iyon pa ba sa ngayon? hindi na di ba....
ok, balik na tayo sa mga shoes...iniisip ko kung may mga tao ba sa buhay ko na parang yung mga shoes na yun... yung una, "over-used shoes"... actually, wala namang guy sa buhay ko na over-used shoes...kasi ang pagkakaintindi ko..iyon yung lagi ko kasama, yung gusto ko..pero hindi ko inalagaan... lahat naman ng tao sa buhay ko or naging close ko minahal ko talaga..ayaw ko kasi dumating yung panahon na sisihin ko sarili ko na pag nawala or umalis yung tao dahil hindi ako nagmahal or hindi ko pinakita na mahal ko siya..kasi di ba..bakit mo pa ipagpapalipas yung mga panahon kung pwede mo naman gawin ngayon...
second, "maganda siya pero masakit" shoes, yan...siguro can relate din dito...ang guy na yan para saakin eh si pao...kasi nga gusto ko rin naman siya at minahal..nung high school nga sabi nila perfect pair at we look good together...pero ang sabi ng mom ko "wag, masasaktan ka lang"...tama nga si mama, nasaktan ako...sobra sobra pa sa inaasahan ng iba..imagine i suffered for 3 years...ganun ko siya kamahal na hindi ko alam kung saan ako magsisimula..siya na ksi yung buhay ko noon eh..nakakalungkot lang dun eh nagdulot talaga saakin ng scars..siyempre may lessons din...
third, The shoes that got away, nung una sabi ko baka iyan yung mga guys na nanligaw tapos pinalampas ko lang kasi takot nga ako magmahal after nung "heartbreak".... pero habang ginagawa ko na ito....na-realize ko...hindi pala...kasi yung mga guys na yun..hindi ako yung deserve nila...may babae pa na mas deserve nila...kasi nga dumating sila nung mga panahon na hindi ko pa kaya magmahal...mahirap naman di ba..hindi ako selfish na sasagutin sila just for the sake na makarecover or may masabing meron ako bf ngayon Christmas, Valentines day or other occasions. happy naman ako kasi sa ngayon masaya naman sila sa kani-kanilang love life... yup!may mga Gf na sila...
sana walang dumating na third type ng shoes sa buhay ko. alam ko duwag talaga ako mag-risk... mahirap na kasi masaktan... ayaw ko mapalapit sa kahit kanino kasi natatakot ako masaktan... pero gaya ng sabi nila Bro.Carlo and Bro.Jerry saakin dati "let go and live life" wag daw ako masyadong pigil sa lahat ng bagay..kasi baka nga hindi na ako magh-enjoy... wag ko daw hayaan na fear yung mag-control sa buhay ko...biniro pa ako na baka maging matandang dalaga daw ako...(wag naman sana) joke!
naku, malapit na naman Valentine's day.... actually, hindi lang naman yan para sa mga couples... hehehe! dami rin kasi single...almost lahat ng friends ko eh single eh...kaya madalas eh can relate kami...although walang mga kilig moments sa araw na yun ok lang..love hindi lang naman yan sa BF-GF thing.... LOVE = friends, family, relatives, at siyempre GOD.....
kaya sa mga singles out there... take your time... hindi kailangan magmadali kasi baka yung "maganda siya pero masakit" shoes ang mapunta sayo....mahirap na...or wag naman tatanga-tanga at ma-pride dahil baka yung The over-used shoes or yung The shoes that got away naman ang dumating...right love na pala eh nawala pa... basta you'll just know pag siya na talaga...if dumating man yun...mahalin at ipakita niyo kung gaano sila ka-importante para walang regrets di ba... pero leave something for yourself...hindi sa selfish ka pero dahil sa iyon yung dapat...kasi pag hindi naging ok...you can still move on with your life....
|