paradox lies herein

History

9th March 2009

1:29am: Missing


nakakamiss nung sobrang payat ko pa. sorry ha, si Kim Chiu kasi eh. Nagbrowse ako ng luma kong larawan at nakita ko ito. Oh, ano Kim Chiu, kung nun lang ang pag-uusapan, taob ka! Pero yung ngayon, pass muna ako, kulang pa ako sa diyeta. isang linggong pagsusuka na lang, malapit na.

naaalala ko, in-lab pa ako ng panahong yan. Yung nga siguro ang kulang ngayon, kaya tumataba ako ng ganito. Hindi kasi ako in-lab eh. Haaay.

I miss being in love, no matter how miserable it was. I remember it, vaguely. The tragedy, the inability to regularly breathe, the lack of appetite, the poetry.

oo noh, nakakasulat ako ng mg tula. katulad ng:

we stood inches apart,

but one is already saying goodbye,
while the other's saying,
see you soon.

and i see us part,
as one revels in hope,

and the other in doom.

huwag niyong sasabihing emo yan, pagsasapukin ko kayo. Seryoso. Emotional na lang, huwag niyo ng bawasan ng syllables.

Gusto ko ng ma-in-lab ulit. Yung sarap at hirap. Ligaya at hinagpis! Yung hindi mo maiintindihan kung gusto mong magpaikoikot sa kama habang nakabalot sa malambot na kumot o biglang magpatihulog na lang sa terrace kasi hindi siya nag-reply nung tinext mo "how are you?"

Meron pa akong wager kay God dati. Ang dami actually. Meron pa ngang panahon nag-hunger strike ako hangga't hindi siya nagpapakita ng senyales na mahal din niya ako. Pagakaraan ng maikling panahon, nagtext siya ng "i miss you, we haven't spoken in a long time," ayun, nakakain din ako sa wakas.

Gusto ko ng pumayat!!!


Powered by Blurty.com