| [ |
mood |
| |
bitchy |
] |
| [ |
music |
| |
Eraserheads, StyroSnow |
] |
Bago ang lahat... Merry Christmas and a Happy New Year muna, alam niyo naman ako nagpupumilit na nagbi-busy-busyhan.... pero sa totoo tinatamad lang talaga. Pro I read your entries naman no, wala nga lang comments, speechless ang drama ko. lolz.
Random thoughts muna:
1. Today is the 22nd of December, kabibigay lang ng 7 month prorated kong 13th month pay, at so far kalahati na lang ang natitira. Putang ina talaga, pero swerte parin, kasi sumweldo ako ng malaki-laki last Dec.5, because nangumisyon ako ng malaki after a long time (umabsent ako ng 2 araw, kaya tumaas ang sales per hour ko, kasi bawas din ang login hours ko, ah basta, ang hirap i-explain, kahit ako hindi ko rin naiintindihan yang mga SPH na yan, may Math kasi.)
2. My brother and his girlfriend just gave birth to a bouncing baby girl last November, am not sure what date it was, basta November siya, actually sa dami ng mga kapatid ko, hindi ko rin alam kung kelan ang mga birthdays nila, at kung ilang taon na talaga sila, ahaha. Anyway, back to our new tiyanak, lolz, I bought her her crib, actually hati kami ng ate ko, pero 75% of the total amount pera ko no, 25% lang sa kanya, wag siya magmaganda, kaya ang claim ko, gift ko yun, naki-ride lang siya. wehehe.
3. At dahil sa pagbili ng crib na yan, food trips sa kung saan saang fastfoods at restos, at hindi ko nga alam kung saan talaga napunta yung pera ko e, ay oo, magastos ako ngayon, pagpasok sa office taxi everyday itoh, dun pala naubos ang pera ko, kaya last Monday night, hindi ako pumasok, kasi sa day after pa ang sweldo, at ang natitira ko na lang na pera nun ay p70. San ka pa? 4. At ngayon 3 days na kong Awol, eh kasi naman ang Monday night, kadakit ng Sunday, kaya naman katamad-tamaran day talaga yun. At siyempre dahil sweldo nung Tuesday, tatamarin karing pumasok ulit, so deadma sa office, at dahil kahapon ibinigay ang 13th month, labas naman kami ng wavemates ko sa office, lamon talaga sa Dampa sa Libis at rampa sa greenhills kagabi, sabay tambay sa may Starbucks sa Promenade, at dahil dun, tinamad na naman akong pumasok, ahahaha.
5. At hindi talaga ako tumatawag sa shift manager ko, last time na tumawag ako sa kanya para umabsent, nagbibigay siya ng dahilan para pumasok ako, kesyo kailangan ng login hours, kesyo ganito-ganyan, puñeta ka, may sakit na nga ako, pag-iisipin mo pa ko ng login hours at sph, leche pero ka math. At ang sarcastic ng dating niya, actually wala naman talaga kong sakit nun, tinatamad lang talaga ako, at ganito yan, siyempre ang excuse ko ,flu, cough and colds, kaya habang kausap ko siya sa phone, iniipit ko ng kamay ang ilong ko para medyo ngongo ang dating, bwahaha.
5.Hindi pako nakakapag-shopping for my family.! Actually hindi talaga ako mahilig mamigay ng gifts, gusto ko lang talaga mag shopping, buti pa yung mga tao sa office,nakapamili na ko para sa kanila, mga buddha keychains na nabibili ng p20 sa Avenida, pero natawaran ko ng p13.50 sa mga pintsik! actually hindi sila mukhang beinte pesos, parang pang p50 ang price nila! Ah basta, it's the thought that counts!
6. I just bought gifts for my inaanaks. Sa totoo lang, hindi ko talaga ka-close ang mga parents nila, ewan ko nga kung bakit ako kinukuhang ninong eh, basta nung mga panahon sumeswldo nako, ayun bigla agad akong nagkaroon ng tatlong inaanak na hindi ko talaga like, ahahah. Basta I don't really like kids, (except for my siblings noh) kahit sa jeep, pag may mga batang makukulit or kahit hindi makulit, pag hindi nakatingin ang mga parents, pinandidilatan ko, at parang gusto kong batukan, ahaha. Mas natutuwa ako pag natatakot talaga yung mga bata, pag nagsumbong sa magulang, deadma, kunyari nakatingin sa malayo at walang kaalam-alam, hehe.. Going back to the gifts I bought them, I bought a teen titan Robin action figure na nagpapalit ng costume, and for the two little girls, mga action figure dolls din na nagpapalit ng costumes, you can tell I love to play dress up no, ahaha. Basta nagkataon lang siguro na magaganda naman sila, at discounted prices na sila, wala akong balak magpa-impress sa kanila.
7. Our office Christmas party sucked bigtime. Sa penthouse lang ng Tektite Bldg sa Ortigas ginanap, at hindi masarap ang food! Ang chismis, ang budget daw per person para sa food ay P25 lang! Anubeh? Sana nag-solicit na lang sila ng P100/head sa mga agents, para sa food. Ka-cheapan to the highest levels, sana nagpa-cater na lang sa Jollibee! ahaha. Ayun, mas natuwa pako nung dumeretso na lang kami sa Metrowalk right before natapos yung party, At pagdating sa Decades, puro mga iskamero parin ng Epixtar ang makikita mo, pero mas lasing na sila at talagang nag-eenjoy na sila. Yun lang.
Merry Merry Christmas Guys! I love you all! Isang malaki at walang halong kaplastikang Beso sa inyong lahat,
Muwah! Muwah!
|