inkblots' Blurty
 
[Most Recent Entries] [Calendar View] [Friends View]

Friday, March 5th, 2004

    Time Event
    8:34p
    'Di ako Papa Material
    Ang malas-malas naman ng kapalarang aking kinagisnan dito sa lupa; hindi ako isinilang na isang Papa material na nilalang.
    O napakahapding tunay tuwing kasama mo ang mga kaibigan mong babae at kapag nakakita sila ng mga kakaibang nilalang, nagkakagulo sila kahit patago. Kung sabagay, paano mo nga naman sila masisisi? Ang nakita nila ay gawa sa iba?t-ibang espesyal na material na kapag pinaghalu-halo, ang produkto ay iyong tinatawag na mga Papa.

    Madalas kayumanggi o mestiso ang mga taong ito. Siguro ang balat nila ay gawa sa porselana at mamahaling kahoy na galing pa sa ibayong karagatan. Hindi ko mapagtanto kung ano ang dahilan ng epekto ng flawless nilang mga balat sa behavior ng babae. Posible kayang nag-e-emit ng psychological radiation ang material na nagko-compose sa kanila?

    Nag-e-emanate din ang extraordinaryong kapangyarihan sa mga Papa. Malas mo kapag hindi ka Papa at may nakaenkuwentro kayo ng isa ng mga kaibigan mong babae.

    Katulad na lang sa mumunting gym ng UP Pampanga (actually, public gym yata iyon kasi tuwing 5 pm may mga outsiders na naglalaro). Kasa-kasama mo ang mga friends mo sa tambayan ng org niyo, ngunit kapag naispatan ng radar nila ang isang semikalbong guwapo na magaling mag-basketbol, buburahin ka ng mahiwagang kapangyarihan ng Papa at mawawala ka sa paningin ng mga kasama mo.

    Paano niyan? Hindi ako Papa material. Gawa lang ako sa dumi (ayon sa Bibliya). Wala akong baby cheeks na kayang gawing panandaliang baliw ang mga babae. Hindi ako magaling mag-shoot ng bola. Hindi pang-model ang aking tindig at lakad. Talong-talo ako. Wala akong powers na pangontra sa mahika nila. Ang tanging option ko na lang ay manliit at manahimik tuwing may Papa na kikitil sa aking presensiya.

    Eh kung hiritan ko kaya ng, ?Alam niyo, nadiskubre ko, drug addict iyan. Atsaka nagpapatira daw iyan kapag nangangailangan ng pera.?

    Oh no no no no no! Never do that! Huwag sisiraan ang mga ginintuang Papa, dahil aalingasaw ang iyong pagiging insecure.

    Eh kung makisawsaw ka sa pag-praise sa kanila? ?Uy, magaling din iyan sa soccer. Noong high school, crush ng bayan iyan. At mayaman pamilya niyan ah. May sarili pa ngang kotse eh. Iyang pagka-moreno daw niya, ang alam ko, mana sa kanyang Daddy.?

    Waaah! Parang ang sagwang tignan. Baka pag-isipan ka pa na pati ikaw ay interesado sa taong iyon.

    So wala na talagang puwedeng gawin kundi dukutin ang cellphone at magpakasasa sa Snake II ng mag-isa hanggang makaalis ang kalaban o hanggang humupa ang paglalarit ng iyong mga kasamang babae.

    Kung purgang-purga ka na sa Snake II, i-clear mo ang harapan mo, kabugin ng apat na beses ang table at banggitin ito with actions: "heto ang beat sabay-sabay, heto ang beat bawal sablay; pabilis ng pabilis huwag magmi-miss huwag magmi-miss; gets mo na? gets ko na ang aaahh... Coca-Cola!"

    Subukan mo namang ilihis ang topic, magmumukha ka lang kawawa.

    Ngunit sa huli, kami pa ring mga kasa-kasama nila ang kanilang mga kapuso o kapamilya sa araw-araw, kahit hindi kami Papable. Sa amin pa rin daw sila tatakbo kapag may kailangan sila o kung may gusto silang i-share na kuwento. Kaming mga hindi Papa pa rin daw ang tunay na action star ng kanilang mga buhay tuwing meron silang personal na suliranin o kung anu-ano pa na hindi mabibigyang lunas ng mga Papa na gumagala sa lupa.

    Sabi nga ng isang kaibigan ko, ang mga Papa ay para tignan lamang. Kumbaga sa isang jewelry shop, hands off! Bawal hawakan, bawal kausapin ng masinsinan; hanggang malagkit na tingin ka lamang.

    frompeyups.com

    Current Mood: depressed
    Current Music: URBANDUB - come
    8:46p
    sana guwapo ako...
    Lord, sana matigil na ang mga kaguluhan sa Pilipinas. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay bumagsak na dahil sa pag-aaklas. Sana talaga, umunlad na ang Pilipinas. At sana, guwapo ako.
    May nagtanong sa akin dati kung sinong mas pogi. Si Jerry Yan ba daw o si never-gonna-stop-never-ever-stop-ain?t-gonna-give-you-up Vanness Wu? Sinagot ko na lang, ?Ewan. Hindi ko naman pinapansin ang F4.? Pa?no ko kaya sasagutin iyon kung biniyayaan ako ng Maykapal ng kaguwapuhan? Siguro ang lumabas no?n sa akin, ?Mas cute ako [hehe].?

    Kung sinabi ko iyon at hindi ako guwapo, di sangkatutak na ?kapal? ang umaligid-ligid sa isipan ng babaeng iyon? Tsk. Ang hirap ng hindi guwapo. Buti na lang meron akong angking talino kahit papaano. Ika nga nila, God compensates on the other side. Sa kung saan na lang ako pupulutin kung walang laman itong utak ko. Doon naman ako madalas pinapansin eh, kasama ng aking mga talento. ?Lagsh, ang galing mo.? Gusto ko namang marinig minsan, ?Lagsh, ang cute mo! [Marry me!]?

    Lord, sadya bang ang kapalaran ko?y ganire?

    Ate Bernadette, gusto ko sanang tulungan ang pinsan kong namomroblema sa kanyang pag-aaral dahil working student siya. Wish ko lang magkaroon siya ng scholarship, kahit sa STI lang. Pakisingit na rin ang wish ko?wish ko lang, guwapo ako.

    Iyong kaklase ko noong haiskul, nadedeklara niya na pogi siya, kaya naman ang yabang ng aura niya. Nakakainis! Iyong gusto mong batukan sa sobrang pagkahambog.

    Pero sana ako rin guwapong katulad niya. O kaya mas guwapo pa sa kanya.

    Kahit sinong babae nalalapitan niya, kasi alam niya na guwapo siya. Hindi na siya nagdududa pa kung nagmumura ang babaeng kinausap niya pagtalikod niya o kung hindi. Kung may maiinis mang babae sa kanya?t sinabihan siya, ?Ang feeling mo,? may panlaban siya kaagad.

    ?At least guwapo.? O kaya, ?Guwapo pa rin.?

    Guwapo ba siya talaga? Ah... eh... No comment. Basta ang gusto ko, guwapo ako! Malaking bagay ba iyon? Promise, hindi ako magmamayabang katulad niya... pero puwede rin. Kung mayamot man sila sa aking kaguwapuhan, nandyan pa rin naman ang utak. Kahit hindi ako Valedictorian, may binatbat naman ako kahit papaano. Active pa ako sa mga extracurricular activities.

    Hayan na naman ako! Hinahanapan ko na naman ang sarili ko ng mga rason para maipagmalaki ang sarili. Kung alam kong guwapo ako, di kuntento na ako.

    Kuya Willie, hindi tinupad ni Ate Bernadette and wish ko. Ikaw na lang sa Willingly Yours. Sana magkaroon na ng sariling computer unit ang kuya ko sa Diliman para hindi na siya umuuwi dito sa amin sa Pampanga every Wednesday para mag-type ng mga homework niya sa Journ. At sana, guwapo ako.

    Iyon bang tipong lady at bading killer? Iyong maraming nagnanasa sa iyo? Iyong kulang na lang eh gusto kang i-corner sa may CR para molestiyahan? Iyong nakakauno ka sa mga subject kung saan ang teacher ay bading? Iyong tipong aabangan ka lagi araw-araw para makumpleto ang araw nila? Iyong tipong isang daan mo lang naglalandi na sila? Iyong laman ka lagi ng mga daydream ng mga nagnanasa? Iyong hindi ka nahihiyang makipag-EB o makipag-blind date? Iyong lagi kang ginagayuma?t kinukulam? Iyong puwede ka na sa showbiz?

    Syet. What?s happening to me? Puro ako sana, sana, sana. Deliryo na 'to. Alam ko naman hindi iyon matutupad ni Willie. Ni Bernadette. Ni Lord.

    Sana talaga guwapo ako. Angkulet, no?

    Iyong ibang babae sa mga pageant, ang paplastik. Kesyo mas pipiliin daw ang talino kaysa sa kagandahan. Asus! Nagpakipot pa, eh gustong-gusto naman na maganda sila, kahit na hindi marunong mag-Ingles. Idol ko nga iyong isang contestant. Sinagot niya beauty, kasi daw ang talino puwedeng makuha sa sipag at tiyaga.

    Iyong kayang mga guwapong hindi masyadong magaling sa pag-aaral? Siguro wish naman nila matalino sila. Trade? Huwag na. Puwede pa sana noong maliit pa ako. Kasi nga, puwedeng maangkin ang talino.

    Eh pa?no iyong mga artistang guwapo na kahit walang alam ay kumikita ng pera sa showbiz? Tsk. Itchampeyr. Pati yung mga tibo na nakikita ko madalas sa food court na may kasa-kasamang girlfriend, mas guwapo pa sa akin.

    Haaaay... Dapat siguro makuntento na ako. After all, kung walang mga taong hindi guwapo, wala ring taong guwapo. Heto na naman ako! Naghahanap ng pampakalma.

    Ipagdadasal ko na lang na sana tumigil na sa pagluha ang ating mga kababayan sa Mindanao... At sana...

    from peyups.com

    Current Mood: sad
    Current Music: mayonicest - bakit pt.2 (para KV)

    << Previous Day 2004/03/05
    [Calendar]
    Next Day >>

About Blurty.com