I am a BROWN C.O.W.'s Moohs
[@#%!|My Herd]
I am a BROWN C.O.W.

[ Profiler | The Choircow Spots ]
[ Pasture | The Choircow Dates ]

Diarios de Motocicleta [19 Aug 2005|03:45am]
[ music | Jorge Drexler - Al Otro Lado Del Rio - The Motorcycle Diaries ]

Ito ay isang kwento na hindi tungkol sa kabayanihang pagpupunyagi. Ito ay tungkol sa dalawang buhay na minsan ay naglakbay nang sabay at may parehong paniniwala at paghahangad.

Isinulat ito ni Ernesto Guevara de la Serna sa Notas de Viaje, ang kanyang talaarawaan, nang minsan niyang nilakbay ang Latin Amerika kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Alberto Granado. Nagsimula ang kanilang paglalakbay sakay ng isang motorsiklo sa Argentina kung saan si Ernesto ay 23 taong gulang pa lamang, kabilang sa isang mayamang pamilya at nag-aaral pa ng Medisina. Mula sa Argentina at tumungo ang magkaibigan sa Peru at Chile. Madaming natutunan si Ernesto sa kanilang paglalakbay. Nakita niya ang iba't ibang uri ng katiwalian at deskriminasyon sa kultura, pag-ibig, relihiyon, at sosyo-politikal. Natapos ang kanilang paglalakbay nang sila ay nakarating ng Venezuela. Nagdulot ito ng pagkamulat sa mga sensibilidad ni Ernesto. Dito nabuhay ang kanyang hangarin na itaguyod ang hustisya para sa mga mas nakakababa at naaapi.

Napakagaling at napakagwapo ni Gael Garcia Bernal. Nakasalalay sa kanyang pagganap at karakterisasyon ang lubusang ikatataguyod ng pelikula at ito ay hindi naging bigo. Natatangi ang pagganap ni Gael at naipakita niya ang taglay na karisma at pagmulat ng "pagkabayani" ni Ernesto. Marahil ito na ang pinakamagaling niyang pagarte bukod sa Amores Perros. Mahusay din si Rodrigo De la Serna. Nakakatuwa at sinsero ang kanyang pagganap bilang Alberto. Magaling ang kanilang tambalan ni Gael. Magagaling rin ang lahat ng mga nagsiganap ngunit hindi ko malilimutan sina Antonella Costa na siyang gumanap kay Sylvia, isang Peruvian na may sakit na ketong at ang mag-asawang minero mula sa Chile, si Vilma M. Verdejo at lalong lalo na si Brandon Cruz. Taglay niya ang isa sa pinakamalungkot na mga mata na nakita ko.

Nakakalungkot isipin na konti lamang ang tunay na nakakaintindi sa mga ipinaglaban ni Ernesto Guevara de la Serna gayong kahit saan ka tumingin ay makikita mo ang kanyang imahe sa mga t-shirts, bags, at pins. Ang komersiyalismo na isa sa kanyang mga tinutulan ang siyang kumakain ngayon sa mga adhikain ng kanyang iniwang rebolusyon. Ngayon ay mas kilala na siya sa tawag na Che Guevera kahit ang "che" ay hindi naman niya talaga tunay na pangalan at isa lamang tawag ng mga Argentino katulad ng "companero".

Magaling ang pagkakagawa sa pelikula. Mahusay ang lahat ng aspetong teknikal nito. Maganda rin ang takbo ng kwento. Kahit may kahabaan ay hindi ito nakakabagot o nakakatamad tapusin. Hindi ko lubusang maisip kung bakit hindi ito nominado sa Best Foreign Film sa Oscars ng nakaraang taon. Mas mainam pa ito sa Million Dollar Baby. May ilang beses din akong naluha sa ilang eksena partikular na sa eksenang palangoy na tumawid si Ernesto sa isang malalim na ilog na hindi inalintana ang kanyang asthma upang ipagdiwang ang kaniyang kaarawan kasama ng mga ketongin. Kaya kung isasalin sa wikang Ingles ang kanta ni Jorge Drexler na Al Otro Lado del Rio na siyang nanalo ng Best Original Song sa Oscars, ang ibig sabihin nito ay:

Plunge my oar in the water
I take your oar in mine.
I believe that I have seen a light
on the other side of the river.
The day will little by little turn cold.
I believe that I have seen a light
on the other side of the river.
Above all, I believe
that everything is not lost.
So many tears, so many tears,
and I am an empty glass...
I hear a voice that calls to me,
almost a sigh: It rows, it rows, it rows!
In this edge of the world
which has us imprisoned is useless.
I believe that I have seen a light
the other side of the river.
I, seriously, am rowing,
and inside, I smile.
I believe that I have seen a light
on the other side of the river.

2 moohs|Say what now?!

pasturage
[ gnawing | August 19th, 2005 ]
[ moving 1 | day back|day forth ]