Lemme tell you about the fight I had with a cab driver last week. As in talagang basagan ito na matindi!! Hinamon ng suntukan ang lola nyo!!! Talagang feeling butch kaya ako that madaling araw ahahahahah!!!!
Anyway, here's what happened. 3:40am na nun, and I was waiting for a ride inside our village. Saktong may pumasok na taxi, so I made a sign asking him to pick me up after he drop off his passenger. So mega hintay ang beauty ko. After mga 10 minutes siguro, wala pa rin ang taxi, biglang may dumating na guy neighbor namen, I don't really know him pero neighbor namen sya kase sa pinakadulo ng street namen sya nanggaling. He was with this pokpok gurl, as in pokpok make up and pokpok attire. I'm sure nagsex sila at hinatid nya lang 'yung gurl para isakay. How very ungentlemanly di'ba?!?! Hindi man lang ihatid 'yung girl sa bahay nila. Eh I was looking at them mukhang mga 18 years old lang sila and it was freaking 3:40 in the morning, gawd!!! Anyway, under different circumstances, deadma lang ako. Keri lang, kiber ko ba sa kanilang 2. But no, it was 3:40am, walang tric na dumadaan, and I'm sure na 'yung cab lang ang only way out. At I'm sure na kapag nakita nila 'yun ay paparahin nila. They were just near me pero puwesto sila in such a way na kapag bumalik 'yung taxi, sila ang unang makakapara. The nerves!!! So naturally, I was threatened at talagang namang raging ang bitchy hormones ko. So when I saw the cab coming, kahit malayo pa lang sa'ken, mega para na ako at sumenyas na ako sa dalawang bagets na ako at tanging ako lang ang sasakay kundi ay may dadanak na dugo!!
So ako na nga ang sinakay ng driver. Eh napansin nung driver 'yung pokpok gurl and he asked me na isabay na 'yung gurl. I was hesitant at first, tinarayan ko pa 'yung driver, sabi ko, "Bakit?!?! Saan ba sila??!" I mean, heller, gusto ko lang na makapasok sa office ng walang hassle noh at malalate na ako so I wasn't feeling very Miss Congeniality that time. Pero I figured, what the heck, isabay na kung isasabay, kawawa 'din naman 'yung gurl dahil walang dumadaan na transpo that time. So I asked the gurl na sumabay na sya. And I was right. Talagang isasakay lang nung guy ang girl, ni hindi man lang ihatid sa bahay nila after laspagin!
So there, sumakay na 'yung gurl. Eh sa Taguig pa pala sya. So medyo malayo and dangerous ang ibang parts ng Taguig. The driver said na ako daw muna ang ihahatid. Eh hindi na nya binaba ang metro nya. So sa loob loob ko, patay, ang malas naman ng umagang ito! I knew right from the start that there's going to be trouble! So the driver asked the girl kung magkano daw bayad nya. The girl said 60php daw. Heller!??!?! Anlayo kaya ng Taguig sa'men! The driver said na ang lapit naman daw nun. Obviously, he wasn't very happy so he said na ibaba na lang nya 'yung gurl sa may labas ng village namen. The girl offered na 70php na lang daw. The driver said mamaya na lang nila pag-usapan. Tapos the driver said to me na alam ko naman daw kung magkano kase hindi daw sya nagmemetro kapag gabe. I dunno why, pero I'm sure stupid ang reason. So sabe ko, oo alam ko.
Eh di ok naman ang travel, deadma lang kame nung gurl. Nasa harap ako, 'yung gurl naman nasa likod. Tahimik lang. Nag-umpisa na 'yung away nung bumaba ako. But of course!! I gave the driver 100php, sabe ko suklian nya ko ng 20php. Deadma ang driver! 100php na lang daw. Umakyat ang dugo ko sa utak, I swear!! I looked at him, he was looking straight ahead, sabi ko hindi pwede kase 80php lang ang binabayad ko. I told him na araw araw akong nagtataxi at 80php lang ang binayad ko. Very brusko ang lola nyo nang mga panahong iyon, ahahahhaa!! As in walang bahid whatsoever!!! Sabi nya, 100php na daw ang pamasahe. Talagang nanrindi ako! Sabi ko, "Sabi mo kanina alam ko kung magkano ang pamasahe!" I was really staring at him the whole time we were talking. Eh mukhang adiktus ang gago, nakashades pa, like heller??!?! Where's the freaking sun?!?!?!? Sabi nya, "Alam mo kung magkano ang rate pero rounded off na 'to." Ay talagang 'di ako nagpaawat. Tumawa ko na parang nang-iinsulto, tapos sabi ko, "Hindi 'yun niro-round off, sinusuklian ako. Hindi ako bababa dito hangga't di mo binibigay bente ko!" Tapos tinignan na nya ko, naninindak. As if naman masisindak nya ko noh! Sabi nya, "Magsusuntukan pa ba tayo dahil sa bente?" Sabi ko, "Hindi, pero papabugbog kita sa mga guards dito!" Haller, ang cheap ha, makikipagsuntukan ba ko dahil sa bente?! Sindakan lang ang labanan dito noh! Eh sorry sya, nasindak ko sya, kumuha sya ng benta at sinuklian ako!! Ahahahhahaa!!! Sabay baba ang beauty ko at binagsak ang pintuan ng taxi nya at I hope lang na sana nasira talaga ang pintuan!
As for the girl, well, pokpok sya kaya goodluck na lang sa kanya. Anlayo kaya ng Ortigas sa Taguig ahahahhaha!! Wish ko lang sana 'di sya binastos ng driver. Nakapokpok attire pa naman sya!
|