Bayani ng Third World
Ang Pinakanakakainis sa pag-aaral ng buhay ni Rizal, ay kapag ang guro mo ay ayaw kay Rizal.
Marami kayong idi-discuss na topik at mapapnsin mo na kumokontra siya sa pagiging bayani ni Dr. JR. Bakit ganun? bias ata. Dapat di ba ipapakita niya na deserving ang pagkapili kay Rizal? Hmmm, historically, bias ang pagkapili kay Rizal, karamihan nga ay Amerikano ang pumili sa kanya. Pero si Rizal ang nagbigay daan para makilala ang mga Filipino sa buong mundo na talentado at matatalino.
Bakit kaya pinapalabas ng aking guro na hindi siya karapat dapat at may iba pang bayani na mas deserving pa sa kanya? Sa totoo lang bruha itong guro ko at, asar ako sa kanya. Kung idi-describe ko siya, siya ang taong kulang sa sex dahil talaga namang windang siya!
Ang final requirement ng aming guro sa Rizal ay gumawa ng outreach program. Marami kaming pinropose pero nahirapan kaming ilakad dahil pinabalik-balik kami, e busy kami sa thesis kaya medyo napabayaan namin iyon hanggang sa one week na lang at isasagawa na namin ito. Yung proposal namin ay talaga namang mina-murder ni lola. As in ang outreach na salita ay ini-ekis at gusto niya'y may gitling (out-reach). And so, binago namin, nilagyan ng gitling. Aba't pagbalik ng papel ay binilugan ulit at gusto niya na makahiwalay na ngayon. Aba naman! Compound word ito, bakit kailangan na paghiwalayin. My golly, Filipino teacher ka iha hindi English kaya wag ka magmarunong. Nag-usap kami ng guro dahil marami pa siyang pinababago at sumasakit na ang ulo ko! Tinanong sa amin ang tema, sabi ni Allan, "Paggunita sa kabataan ni Rizal". Aba't nangatawa si lola. Sabi ko bakit kayo tumatawa? Kasi raw, dapat sa tema ay makukuha na ng babasa ang aktiviti na gagawin. At sa tema namin, magulo iyon. ano ba iyon? Seminar? Symposium, ...etc. Sabi ko, "so ano ma'am dapat habaan namin ang tema para mapaliwanag lahat?" Tapos eto pa, ang layunin namin ay dapat magkakaiba para sa komite. Sinabi ko na ang pangkalahatang layunin namin ay iisa dapat dahil ito ay gawaing pangklas. Ay aba! hindi raw dahil kailangang may pangkalahatan ang komite na hiwalay sa pangklase. Sinabi ko na hindi maaari dahil isang klase nga iyon at ang layunin ng komite ay ang tiyak na layunin na (specific). Hindi kami nagkasundo doon. Another: Nagbigay siya ng format. Kelan? Nung monday lang tapos pinababago niya lahat yung araw na ring iyon at hanggang alas-kwatro ito isasumite. Imbiyerna talaga! Sa sobrang inis ko sinabihan ko siya in her face na, "Ma'am WINDANG KA!" As in poker face na matalas na paningin sa kanya. Natahimik siya at kitang-kita ko na nagulat siya sa pagkaasar ko. Sobra! Nagulat din ako no! Wala ring nasabi si Allan. Okray talaga sa 'min yang gurung iyan!
Anyways, Natuloy ang Outreach namin kahapon. Akalain mo't rush lahat. Eto yung mga nangyari.
 Isa sa mga Actividades na ginawa
 Ang Committee sa Place
 Siya yung alaga ko
 BSIT 4B (Ang kulit ano?)
|