| Current mood: | blah |
Primetime sa Bahay
Tama ng nga muna ang kadramahan, heto ang masasabi ko na makakapag enlighten ng araw natin.
Napanood ko ulit ang Multo in the City. Hindi ko maalala ang direktor nito, si Don Escudero ata. Pero maganda talaga ang movieng iyan. Siyempre payat din si Aiko melendez doon. Pati na si Herbert. Love team sila ni Mani. Si Zoren Legaspi ang partner ni Aiko. P.E. Teacher siya sa palabas kung saan may isang part na pawis na pawis siya at nakajersey pero looking hottie pa rin. Okey enough na! Nakakatawa yung characterization ng mga kontrabida na pinangungunahan ni Nanette Inventor bilang principal. Kasama sina Ai Ai delas Alas, Vangie Labalan, Cita astals at isang gay guy na hindi ko kilala. Silang apat ang mahahaderang guro at nakakatuwa sila.
Speaking of old films, si Adrien Brody pala a nasa Angel's in the Outfield. Para siyang hindi tumatanda. Naroon din si Matthew McConaughay (Mali spelling). Puro sila bata roon. At looking good. Pati yung bida na bata. Ano bang name niya,Joseph Gordon-Levitt , Ngayon malaki na siya at mukhang pankista, killer looks!
Natutuwa ako at may WOWOW channel na ulit kami, makakapanood ulit ako ng sex in the City.
Hit sa bahay namin ang Mulawin. Ralaga namang tumatahimik ang lahat pagpalabas ito at bawal maglipat ng channel. Kahit ang padrino ko ay nanood nito. Pero super comment siya on the side. Sa loov-loob ko, ikaw kaya ang mag-apply na maging wirter, tingnan natin kung hindi mo maperfect ang script. Anyways, the best suiya sa lahat ng productions ng GMA. Mukhang maganda ang production ng palabas ni Regine ngayon, pero hindi ko gustoi ang istorysa. Same old formula ang ginawa nila. May mga kuha pati na malaMTV ang dating. As in nagpapacute si Regine at nakakasuka tulad ng pa-good girl effect ni Kris Aquino sa Hiram. Although gusto ko si Kris, lalo na si Christian Vasquez, hindi ko gusto ang character portrayal niya. Mas effective si Anne Curtis at winner moments ang mga pagtatagpo nila ng kanyang mudra na si Dina Bonnevie. Bagay kay Anne ang suwail na anak. In fairness, may acting si Heart Evangelista sa palabas na ito. Okey rin siya. Pero lamang ng kaunti si Anne. At siyempre ang panira sa buhay ko, ang It Might Be You. Ito ang dahilan kaya hindi ako makapanood ng sev in the city pag martes at ng Te Amo nung pinapalabas pa ito. Totally maganda ang palabas dail magagaling ang mga aktor tulad nila Jean G., Maritoni, Tirso at Gardo. Hindi O.A. si Gardo dito. At maayos ang takbo ng istorya. As usual nga lang bobo ang babaeng bida, si Cielo(Bea ALonzo), pati na rin si John Lloyd. At ang twist na ang nawawalang anak ni Jean Garcia ay si... Tama si Cielo. Pero alam ba nila ito? Tama! Hindi! Alam na ito nila Gardo at Maritoni, sila na lang ang hindi nakakaalam. Si Maritoni ay maldita-bruha-hinayupak-imbyerna all-one-one sa palabas na ito. Siya ang pinakamagaling at pinakaeffective sa lahat. Kaya niyang dalhin ang buong kwento nang siya lang.
Yan ang mga primetime na aming pinapanood paggabi. Minsan mula 24 oras ito nagsisimula. Pati extra challenge. Pero namimili ako ng pinapalabas, at 3 show ang pinapanood ko sa same timeslot. Maguklo pero masaya, ganoon talaga kapag pinapanood nila ay iba sa pinapanood mo.
|