Create Journals
Update Journals

Journals
Find Users
Random

Read
Search
Create New

Communities
Latest News
How to Use

Support
Privacy
T.O.S.

Legal
Username:
Password:

In Your Blue Skies (winsky) wrote,
@ 2004-09-30 22:40:00
Previous Entry  Add to memories!  Add to Topic Directory  Tell a Friend!  Next Entry

    Current mood: hopeful

    Paghanap sa Stepping stone
    Kahit wala nang laman ang bulsa at alam kong mahabang lakaran ito, hindi ko pinalagpas ang hapong ito. Humayo ako para puntahan at subukan ang aking kakayahan para guhitan ang aking matayog na pangarap. Namimintig na ang mga binti ko sa paglakad, at pawis na ang damit ko sa init ng panahon. Kahit ang tinanghalian ko sa bahay ay ramdam ko na tunaw na.

    Wala kaming English kanina. Actually, wala talagang kwenta ang araw na ito sa iskul. AAbsent ang guro sa Rizal, at bilang presidente ng klase, inayos ko ang mga gagawin naman sa outreach namin sa Martes. Tama talaga ang hula ko na hectic ako hanggang first week of October. Tapos na ang eksena ko sa iskul mga alas doce y media. Sa bahay kumain ako ng lunch sabay nood ng TV. Aba Multo in the City ang palabas. One of my favorites. At ang payat ni Mani dito in fairness!!

    Umalis ako ng bahay na pamasahe lang ang dala at ang mga isusumiteng mga bagay. nakakakaba. Pero ano namang mawawala? So bumiyahe ako. Dalawang nakakabatong sakay. Mahabang lakaran sa tuyot na daan. Pero bakit parang hindi ako masaya gayong ang pinuntahan ko ay para sa komedya? Hmmm, paglumilingon kasi ako sa dinaraanan ko, mas naluluha ako kaysa mnatatawa. Pang Maalaala ito kaysa sitcom.

    Wala pang isang minuto ang tinagal ko sa destinasyon ko. Parang ganoon lang. Parang luck talaga. Siguro ipapasa-Diyos ko na lang. Ayoko na munang umasa. Pero malakas ang kutob ko na positbo ang mangyayari 15 days from now.



© 2002-2008. Blurty Journal. All rights reserved.