| Current mood: | pleased |
Birthday Boy, the Night and Friends
I had a wonderful time last saturday. Birthday celebration ni Bien kaya nagtipun-tipon kaming old buddies nung high school para sa isang hapunan. Syempre ang birthday celebrator ang gagastos kaya mas lalong masarap kumain!
Nagkita kami sa Powerbooks, the usual tryst ng barkada, Medyo naleyt ako dahil sobrang bagal ng dyip no! Pero mas late, I mean, mega leyt si Gerald dumating as in past six na siya nagpakita kaya naleyt si CJ sa work and all.
Okay ang conversation namin. Naroon nga pala si Marjo. Matagal-tagal na rion since hulikami nagkita. Sobrang nabusog ako at hindi na ko makatayo. Ramdam ko na nasa lalamunan ko pa yung kinain ko. Pero we have to go para makarami. Bumalik kami ng Mega Mall pero si CJ diretso trabaho. Sa Mega, may binili si Bien, a gift para sa gochild niya sa binyag. Tapos nanood kami ng movie. Siyempre free ulit kasi Australian Film Festival. Ayoko nang magkoment sa movie basta ang importante nakapagbonding kami.
Lumabas kami ng sine mga 10:30, "Maaga pa" according kina Bien, Marjo at Gerald. (Palibhasa'y gabi na talaga para sa akin) Kaya tumambay muna kami sa Starbucks. Later, dumating ang couple of the new generation, sina Vy at Derrick (Kaya lang parang sad si Derrick--mag-intriga ba!!), at nagyayaya na pumunta sa malaté. Pagod na ko pati ang bulsa ko kaya I need to go home. Sumakay na ng taxi si Bien para umuwi. Nag thank you ako.
Tapos kahit mapilit sila, hindi ako sumama. Sinakay ko sila sa taxi at pinaroon na. I had much fun already. Kayo na lang.
Next time na lang rin, para maulit muli.
Again, Happy 22nd Birthday Bien!! (*,*)
|