| Current mood: | bored |
Araw-araw ginagabi
Gabi na naman ako mag-a-update.
Sobrang busy ako. Hindi na nga ako magkandaugaga sa mga trabaho. Kaliwa't kanan, taas-baba may ginagawa. Pero kelangang tapusin. Less than six weeks, this sem is over. Pero pagod na ako. nakakalula dahil ngayon palang kitang-kita ko na na magsisipagsabayan ang mga deadlines niyan!
Maraming salamat sa iyo Carlo sa malugod mong pagpapahiram ng QAF. grabe, natapos ko na ang kalahati (kahit palihim lahat ng panood ko) 11 episodes. Nakakapagod! Ang kwento, grabe. Pero saka na ako gagawa ng review pag natapos ko na yung complete season. Sana lang Carlo kopyahin mo iyung dalawang seasons para kasing gusto ko ng kopya kaya lang short ako ngayon with all those gastos in school. Poor me! Anyway kaya kitang bayaran pero hindi ngayon, maybe next two weeks or worse na yung next month. Pero kung short ka rin ok lang. Ganyan talaga ang buhay. Pero please ikopya mo ako Babayaran kita--UWAAAAAAAAAAHHHH!!!
Okay, nakarecover na ako! Promise ko na magiging religious na ulit ako sa pagsulat sa blurty kapag natapos na ang mga gawain ko. That means sa october pa iyon--Arrgg!!! Yan na nga ba nag sinasabi ko, nakakasira ng buhay ang pag-aaral! Pag ako yumaman pag nakatapos ako, Magpapatayo ako ng sarili kong mansyon. Okay sinong gustong tumira dun kasama ko, send in your resumés at kelangan ko ng maraming katulong.
An sarap mangarap. Hindi lang ako makatulog dahil may defense ako bukas, ay mamaya pala. Nininerbyos na 'ko. May mga ii-edit pa ako sa mga documents at nawala yung mga inedit kong soft copies. Kainis at napaphoto copy ko na lahat. Oh God maging maluwalhati sana ang defense namin at positibo ang resulta. Maraming salamat po!
|