Create Journals
Update Journals

Journals
Find Users
Random

Read
Search
Create New

Communities
Latest News
How to Use

Support
Privacy
T.O.S.

Legal
Username:
Password:

In Your Blue Skies (winsky) wrote,
@ 2004-08-28 15:19:00
Previous Entry  Add to memories!  Add to Topic Directory  Tell a Friend!  Next Entry

    Current mood: sad
    Current music:Gary V. Music

    In the Middle of Something
    Nakatitig lang ako sa stage. Nagpeperform si Gary V. at ang kanyang binatilyong anak sa loob ng araneta colliseum at tuwang-tuwa ang mga tao. Kasama ako roon, pero sa mga sandaling iyon, totally shocked at windang ako.
    Late ako nagising as usual noong umaga dahil natuwa ako magchat nung gabi. Mga alas kwatri na ng madaling araw ako nakatulog, kaya alas once na ako nagising.
    Paggising ko ay nagsaing na ako para sa tanghalian. Nakita ko si Mommy na nagbibihis, japorms talaga at dun ko bigla naalala na National Convention nga pala niya ngayong araw na ito.
    "Saan ang Nascon ma?"
    "Sa araneta, tara sama ka!"
    "E, nagluluto ako, wala pa tayong tanghalian."
    "Meron doon. Tara! Ala una iyon."
    Napaisipako nang husto kung sasama ba ako. Hindi pa ako nakakarecover sa pagkakapuyat ko at sa lakad ko kahapon pero gusto ko sumama dahil ang sarap talaga ng pagkain sa Nascon. Plus, naroon si Gary V. Srah Geronimo, atbp. So Kahit nagtatlong isip ako or more, sumama ako. Sumunod ako sa cubao kasi nga nagluto pa ako and all!
    Okey mga alas dos na, hindi ko na naabutan ang opening number.
    Awarding ng malalakas bumenta sa buong kapuluan, at lintik na milyones ang binebenta nila kada buwan! That means, ang mga umaakyat sa stage ay mga multimillionaire na Filipino na hindi mo aakalain. Naisip ko tuloy silang mga taga-Cebu, Davao, Iloilo, etc ay mas maganda ang buhay kaysa dito sa Metro. Wala kasing pumasok na Metro branches (NCR) sa top performing branches.
    Natapos ang awarding at ang pagngata ko ng manok ng Jollibee at iba pang goodies!
    Lumabas si Sarah Geronimo na akala ko ay magmimini concert, sus! Kumanta lang ng Reach ni Gloria Estefan at yun na, hindi pa tinapos. In fairness, she looks awesome in her white gown. In fairness!
    Nagperform si Gary. Ang galing, first time ko makita siya na live. Dati kasi sina Martin at Regine ang nakita ko. Ngayon Gary V!
    Ang galing at para siyang kitikiti! ang galaw niya, kakaiba! Ang tanging nagpatalbog sa kanya ay ang anak niyang si Gabriel. Bukod sa mas gwapo, mas smooth gumalaw pag nagsasayaw. Inclined din sa music, pero hindi naman nila pinakanta. Hiyawan ang mga gelay pag nacoclose up at full smile siya sa monitor.
    Doon sa mga sandaling iyon, sinabi sa kin ni mommy ang balita. Isang H-bomb na nakawala ng enjoyment ko.
    "Alam mo ba, si Nichi, extended ng two years ang gamutan!"
    Natulala talaga ako. Ha?! Totoo ba ito. Parang panaginip. Akala ko sa November gully recovered na si Nichi tapos...what the...!
    Natulala ako kasi hindi ko alam iiyak ako or what. I don't wanna blame anybody or God lkaya as in Windang to the highest level ako. Lalong gumaling si Gary sa next number niya, pero ako, tulala!
    Well, yaon kasi ang realidad. At kung minsan, sa ibabaw ng entablado, sa kinang ng sining ng buhay, may mga pagdurusa at sakripiyo na dapat tanggapin habang ang iba ay nagsasaya.



© 2002-2008. Blurty Journal. All rights reserved.