| Current mood: | high |
| Current music: | Noypi- Bamboo |
Buwan ng Wika
Alas ocho ang usapan pero alas nueve y media ako dumating. May tinayp pa ko. Anong ineexpect nila, alam ko na lahat ang isusulat? Basta late ako. Nakakahiya man pro dumating ako na may dalang lugaw at tokwa na walang baboy. Gutom ako. Hindi pa ako nag-aalmusal dahil walang pagkain sa bahay. Baka mas naleyt pa ako kung nagluto pa ako no! Hindi naman sila nainip at nag-enjoy sila sa kakapanood ng movie ni Adam Garcia. Besides, ang kwento'y tungkol sa mga programmers tulad namin (kuno!)
 Ano bang title nung movie? Basta comedy. Teka search ko nga sa yahoo... The First $20 Million is Always the Hardest pala ang title. An layo sa inasahan ko! In fairness ang ganda ng adamgarcia.com!
Pumunta kami ng school at nagpapirma ng chuvas. Tumambay sa lobby at wala lang, nakipagchokaran sa mga old classmates na ngayo'y sobrang busy rin sa thesis at feasib. Pinagsabay kasi ni Boy Negro. Hayan nakacatch up na kami sa isa't isa. Siyempre, sobrang support sa isa't isa na kaya niyo iyan. tiyagain niyo na at huwag kayong susuko. What a cliché! Umalis kami mga alas dose. Usapan alas ocho huh! Hmmm, saan ba kami pupunta? Sa Komisyon ng Wikang Filipino. Saan yun? Malay sa Maynila. Sa San Miguel. J. P. Laurel Street. Saan iyon. Malapit sa P.U.P.? Saan nga iyon?! Okey para wala nang diskusyon, mga challengers, hanapin niyo na siya. Sumakay ng Quiapo at nagbayad hanggang Legarda. Okay ang mahal na pala! Antagal ng bihaye. Humaba na ang kuko sa kakahintay. Nagpamanicure na nga ako dun sa isang pasahero(exagE!!!!) Bumaba kami at nagtanong sa mga walang kamuang-muang na gwardya. Jaguar talaga kayo! Hay ewan. Pumunta daw kami ng Malacañang. Okay, okay, let's try. Ang tindi ng araw ha! Natutunaw ako, my skin! My sensitive skin, my god!!! Anlayo pati! Good thing I brought my umbrella. (How cute!!!) Anyways, bago pa mag-ala Elle Wood ako sa pagkukwento, Narating namin ang Komisyon ng WIkang Filipino at mas Na-appreciate ang Wikang Pambansa, at Yun lang. Kaya niyo ba iyon? Sabi nga ni DR. J. R. : "ANG HINDI MAG-LOVE SA SARILING LANGUAGE AY MAS YUCKY PA SA FISH" Pagod na mga team ko, lalo na me! sakay ng jeep papuntang Quiapo dahil masakit na ang feet ko! As in! Sumakay kami ng Jeep papuntang Pasig pabalik. Ang Aming conference room ay ang food court. Siyempre nagbrowse ng books sa National Book Library (kasi mas lagi akong nagbabasa ng books dito kaysa bumili.) Nag-enjoy ako. Finally, bago kami sarhan ng mall, ni-lay out na namin o binalangkas na namin ang sakop ng aming pag-aaral. Hay an' lawak! Talaga naman! Favorite Topic kasi. Filipino Language! Vicky, mag Ph D. ka at ikaw ang magiging guro ng mga anak ko! Nakakatawa, mas nag-enjoy ako habang pauwi. Naloka ang mga nasa jeep. Kakiyemehan lahat. Nakakatuwa. Nakakapagod. 10:30 na ako nakauwi. Sabi ko Alas ocho. Ni hindi na ako nakarearch sa libraray ng ****, e!
|