Create Journals
Update Journals

Journals
Find Users
Random

Read
Search
Create New

Communities
Latest News
How to Use

Support
Privacy
T.O.S.

Legal
Username:
Password:

In Your Blue Skies (winsky) wrote,
@ 2004-08-19 14:57:00
Previous Entry  Add to memories!  Add to Topic Directory  Tell a Friend!  Next Entry

    Current mood: relaxed

    August silence
    Matagal akong hindi nakasulat dito sa blurty. Hindi ko naman talaga intensyon iyon. Marami akong pinagkaabalahan

    First week ng August, nagreview ako ng todo para sa Tagisang Pilipino na ginanap noong August 7 sa Bulacan State University.
    Naloka ako sa mga tanong sa kontest at talagang hindi iyon lumalabas sa daily discussion ng klase. Naging finalist ang school namin. Sa final round na nagkatalo. Mahirap ang mga tanong. Marami kaming nasagot (kasama ko sina Allan at Tristan). Pero mas maraming nasagot ang kalaban at yung naghost na school.
    Kahit ganoon ang nangyari, nakakakaba lalo na't may kapangalan ang school namin. Kala ko tuloy nung una ay pasok na kami kaagad sa finals pero nasa top 7 pala kami. (o di ba!) Nakakapagod dahil ang aga namin umalis sa Pasig. As in alasinko ng umaga ay nasa iskul na ako. May tiklop pa ko sa katawan kahit nakaligo na noong umaga dahil sa sobrang himbing ko sa pagkakatulog. Hindi tumalab ang alarm ng cellphone ko. Buti na lang at niyugyog ako ng butihin kong ama...
    Hindi na namin tinapos ang kontest dahil talo na kami kaya hindi namin kami aawardan (kahit naging finalist kami). Malolos pa iyon kaya umalis na kami at baka kami gabihin.
    Kumain kami kina lolo Kenny at nagpakasaya sa company ng bawat isa.
    Iyon ang first week.

    The following week ay Midterms kaya todo aral ulit. As if nag-aaral ako. Nagpanggap ako na nag-aaral at ewan kung pumasa ako. Okey naman ang network, second sa mataas pero gosh! hindi nga ako naka 90%!
    Killer ang test sa Filipino dahil imbyerna rin ang guro. Buti na lang at exempted ako dahil naging finalist kami sa nasabing kontest! Ligtas. Hindi nga ako nagreview.

    Natapos ang exam. Meron mga research para sa thesis kaya dumayo sa makati. Okay lang para kaming nagtreasure hunting. Ang kaiba nga lang ay wala kaming mapa. We used only clues ika nga. Nasa makati. Eskewlahan. Magtanong sa ilan at whalah! Natuntun din. Eto ang isang example ng dialogues:
    Winsky: Asan po yun ******* Makati?
    Bugik na napagtanungan Di ba sa makati iyon!

    ***********************************

    Heto at nakaraos sa kalahati nitong sem. Marami pang darating. Etong si Boy Negro ay pahirap lang sa buhay. No offense angelsiege pero gago na siya ha. Tama si allan na hindi nararapat iangkop ang mga patakaran saaming institution. Iba ito sa kanila. Pero, may oras ka pa bang magrekalmo kung gusto mong gumraduate?


© 2002-2008. Blurty Journal. All rights reserved.