| Current mood: | silly |
A Game for Money Desperate
Yes, short ako ngayon. Okey, hindi ko na pagagandahin, wala akong pera! So isa sa mga solusyon na nakita ng mga friends ko ay, tsada!!!!
Sumali sa Who wants to be a Winner?
Okay cheap talga. Pero kinagat namin kasi nga mga despirado at talagang effecdtive ang motivating power ng pera!
Nininerbyos na ko pero go parin. Tinawag ang aming mga pangalan kaya nagsipag-akyatan kami sa stage sa harap ng madlang PasigueƱo.
First question: okay nakaka-kaba! No ang answer ko. Oops ba't naroon sila sa Yes? Yes ba ang sagot? Sabi ko na semplang ako e. Teka bat may apat na sumunod sa likod ko? Ang tanga naman parang ako. BUZZER!!! Ayan ang korek answer ay YES! So thank you na ko. O-tal na. Tapos na rin ang pressure at few minutes of shame.
Andun pa sina Deviant, angelsiege at Tonet. Please galingan niyo dalwa na lang ang kalaban. Second question... Parang no ang sagot. Napatingin ako kay angelsiege. Umiling iling ako. Nagpunta sila sa No. Si Tonet at Deviant pupunta sa yes. Ang kalaban puros sa no. Nagpalit ng isip si Tonet. Sigurista, nagpunta sa NO. Na-jope si Deviant sumunod sa NO. In other words, walang nagyes.
Okay nakakatense sa harapan. Nakakamental block. Tama kaya sila. Tungkol sa Constitution ang question, dapat alam namin iyan. Hay parang iba ang reaksyon ng host. Pati ng mga judges. Ano ba yung question? ANo ba yun? BUZZER!!!!!!!!!!
And the correct answer is ..... YES
Lang-hiya, na-out lahat. walang nanalo! Lintik sayang yung sampung libo kada tanong sa jackpot round.
Nakakalungkot at ang sakit sa ulo. Nag-akyatan lahat ng dugo ko sa utak ko. Kainis. Frustrated talga sila Deviant, tonet at angelsiege.
Anong magagawa namin, confusing yung tanong. Sobrang nakakataranta.
Ngayon lang ako napunta sa isang napaka-obscure na sitwasyon. Mahilig ako sa contest pero sobrang kakatawa at cheap talaga iyon. hay ewan.
Di bale kahit natalo kami, sasali ulit kami. Bakit? Kasi kelangan ko talaga ng pera! Whaaaaaaaaaaaaaa!!!!
|