| Current mood: | contemplative |
Gone with the Wind
It's so tagal na kong hindi nag-update. Namiss ko na tuloy ang blurty barkada. Dahil wala na ako sa ERC, wala na ring internet ever. I wish may magbigay ng free account sa akin. Hindi na kasi effective yung sati kong ginagamit. Isang taon na kasi.
Isang linggo na lang at pasukan. After nitong OJT, back to normal, balik ako sa bahay, boring ang buhay, ang saya-saya.
Kung titingnan talaga ang aking buhay, ano ba talagang kulay nito. Ewan parang hindi ko madistinguish, parang nag schimmer at nagchechange ang mga hue nito from time to time. Ito ba ang ibigsabihin ng makulay ang buhay?
Sa loob ng isang araw maraming nangyayari sa buhay ko. Kahapon late na akong nagising pero ang dami paring nangyari. Si Tito Boy dumating (ah, yeah, Filipino ako, May Tita Baby din ako) Pati na sina Tita Ani. Pati yung two cousins ko. Ate WIn cooked beef pattie. Yum yum!!! Napuno ang tiyan ko sa kakakain ng mashed potato and gravy.
Sana everyday is a family day kasi, yesterday, nagkwentuhan ng mga memories kami at nakakagaan ng pakiramdam alalahanin ang mga magagandang sentimiyento ng mga bakas ng kahpon. Tuwing linggo, pagsiniswerte ako, nagkakaroon ng ganito ang buhay ko. Kumbaga sa isang tv series, may review. Nakakataas ng self esteem.
Wala na akong masasabi kundi ang magpasalamat sa taas kahit ganito ang nakikita ko araw-araw, nagiging maganda parin. Kanina Chemo na naman ni Nichi. Naging every two weeks na ang chemo dahil nga napunta sa brain ang ilang white blood cells ng brother ko.
For the Prayers, thank you friends. Thank you rin sa mga nagdonate ng blood, money at prayers ulit. Hulog kayo ng langit, ng masaya kong bughaw na langit.
|