Create Journals
Update Journals

Journals
Find Users
Random

Read
Search
Create New

Communities
Latest News
How to Use

Support
Privacy
T.O.S.

Legal
Username:
Password:

blairbitch (sardonique) wrote,
@ 2007-09-05 11:37:00
Previous Entry  Add to memories!  Add to Topic Directory  Tell a Friend!  Next Entry

    maiba naman
    kahapon. Tambay kami sa may track oval, kumakain ng saba con hielo. Kwentuhan. Daldalan. Akalain mo, inabot kami ng tatlong oras? Habang inuubos ang malamig na meryenda, pinapanood ang mga naglalaro ng football at ang pagpalit ng kulay ng kalangitan (mula ube at rosas hanggang maging itim), nagsimulang lumitawang mga bituin. Ang usapan ay di basta usapang love-life ng bawat isa o ng kung sino-sino. Sa halip, ay ang pagiging frustrated sa buhay, sa tao, sa lipunan, sa sistema. Hindi naman sa nagpapakamiserable kami o nagmamagaling. Dun umikot ang usapan, "para maiba naman." Masaya pag-usapan ang mga mabababaw na bagay. Hindi naman sa hindi natin kayang abutin ang lebel ng usapang intelektwal o "profound". Madalas kasi, masyado na tayong pagod--sa acads, sa love life, sa buhay, sa lahat--kaya di na inaasam pang magsimula ng mga usapang matuturing na malalim o yung tipong mapapaisip ka tungkol sa buhay. Nakakapagod nga rin naman mag-isip. At kung sandali lang at madalang ang panahon na makasama ang mga kaibigan, karaniwan, nagpapaka-superficial na lang. Dahil nga pagod at gusto namang sumaya o makalimot sandali pag magkakasama. Isa pa, kaya tayo may lakas ng loob na maging mababaw at "superficial" pag kasama natin ang ating mga kaibigan ay dahil silanga ang kasama natin,ang mga taong tatanggapin ka pa rin, pagtitiyagaan, iintindihin ka, sa mga panahong ayaw mo mag-isip at gusto lang maging masaya sa pagiging mababaw.

    Currently Listening: Alamat ni Bulan - i can hear Regh singing in my mnd



(Post a new comment)

louis vuitton
(Anonymous)
2009-09-27 05:20 (link)
The information you posted about louis vuitton is so useful, I am expecting for your next post.

Nice articles, but I am not clear about the point you mentioned about how to distinguish fake and real louis vuitton.

You seem to be professional about louis vuitton, can you advise where to buy real louis vuitton?

(Reply to this) (Thread)


(Post a new comment)

© 2002-2008. Blurty Journal. All rights reserved.