Create Journals
Update Journals

Journals
Find Users
Random

Read
Search
Create New

Communities
Latest News
How to Use

Support
Privacy
T.O.S.

Legal
Username:
Password:

la pinay (mafracati) wrote,
@ 2005-01-20 22:43:00
Previous Entry  Add to memories!  Add to Topic Directory  Tell a Friend!  Next Entry

    Current mood: contemplative
    Current music:soldier - destiny's child

    nagmumuni-muni
    haay...salamat naman!!!

    ang saya ko! mayroon na akong college! grabe...di ko na matiis yung mga nangyayari sa paaralan ko. para bang...ngayong ko lang nakikita yung mga ginagawa nila sa mga estudyante.

    ganyan ba ako kabulag?

    marami-rami na rin pala akong mga on-line journals...di ko lang napansin na nangongolekta na pala ako ^^; may roon ako sa easyjournal, sa diaryland, sa livejorunal, sa xanga, sa tabulas, at dito sa blurty...ang labo! para bang di ako makapagdecide kung ano ba talaga ang gagamitin ko.

    dahil naman kasi may iba-iba akong personality...parang schizo?

    gusto ko nang mag-graduate! di ko na matiis ang mga nangyayari..gusto ko makahanap ng guy na pwede akong mahalin..dahil naiinggit na talaga ako. malabo nga eh. dati sinasabi ko sa sarili ko na di ko kailangan ng boyfriend dahil abala lang sila sa pag-aaral ko...pero tingnan mo naman si pia...three years na sila ni carlo pero honor student parin siya.

    kinausap ko kaibigan kong lalaki...tinanong ko sa kanya kung bakit walang lalaking nagkakagusto sa akin. bakit puro nalang si ate? tapos sabi naman niya na marami naman nagkakagusto sa akin kaya lang...ang kagandahan ko daw at nakakaintimidate...

    lokong yun! nagawa pa niya akong lokohin!

    pero...totoo ba yun? totoo bang nakakaintimidate ako? kung ganun...anong gagawin ko? ala nga naman ayusin ko mukha ko para pumangit ako ng konti...ayokong pumangit!

    pagkatapos ko siyang binatukan, tinanong ko sa kanya kung bakit may mga lalaking naiintimidate sa looks ko...reply naman niya na dahil dun inaakala ng mga guys na may boyfriend na daw ako tapos kasama ko siya parati kaya mukhang ganun...

    malabo naman eh! kalahating bading yun! gwapo nga at sayang yung looks niya...yun yung parati namin sinasabi sa kanya...kami ng babae niyang kapatid tapos kaming dalawang magkapatid.

    daya rin naman kasi eh! inaagaw niya ang lahat ng mga gwapo -____-; bakla talaga yun! ay...excuse me...nagagalit pala yun kapag tawagin siyang bakla...BADING pala ;)



(Post a new comment)

louisvuitton
(Anonymous)
2009-09-13 08:15 (link)
louis vuitton outlet
Anyone know louisvuitton near by? I am looking for one but never get.
I just bought this bag from louis vuitton which located in New York city, it’s wonderful.
luis vuitton are located in all major cities such as Shanghai, New York, etc, you may travel to these cities and get one for yourself.

(Reply to this) (Thread)


(Post a new comment)

© 2002-2008. Blurty Journal. All rights reserved.