| Current mood: | confused |
| Current music: | fallin' |
panggulo ka lang sa buhay ko (???)
sabi nga nila mahirap magsalita ng tapos dahil baka kainin mo lang mga binitawan mong salita... paki ko, confident naman ako na ayoko sayo... unang beses palang kita nakilala eh ginulo mo na ako... punitin mo ba naman yung ginawa ko sa dyaryo... kahit ndi mo yun sinasadya, basta...sinira mo ...
bihira naman ako pumunta sa practice niyo... ndi nga kita nakakausap... yun yung una at huling beses na nakausap kita... dahil ginulo mo yung maayos at planado ng buhay ko...
hay!ibinilin ka kasi sakin... tigas daw kasi ulo mo, at baka daw kahit papano eh mabawasan... kung ako maninita sayo... ayaw ko nga, kasi dagdag ka lng sa mga purpublemahin ko pero sige na nga andyan na yan eh... may magagawa pa ba ako...
makulit ka nga...maloko...gago...chickboy...lahat na... tama ang sabi sabi o tingin sayo ng mga tao... napatunayan ko yan nung mga panahon na pinipilit kita tumino... tigas talaga ulo mo... puro ka nlng laro at biro...
kaya tuloy inaasar ako na bagay tayo, lagi ka kasi pasaway... siyempre ma-pride ako... yun pa rin ang sambit ko.. ayaw ko sa tulad mo... kasi baka magulo lng ang mundo ko... mundong iningatan ko...ng hindi na ulit masaktan ng mga lokong tao...
pero bakit ganito... tulala na naman ako... dapat nga eh nag-aaral ako, at pinaplano na naman ang mga araw sa buhay ko...
ayan ka na naman kasi... nangungulit , nang-aasar at nakangisi... hirap tuloy ako na di mapansin yung ugali mo na kay daling mahalin...
putik, mali... ndi dapat ganito... planado lahat ng gusto ko sabuhay ko... ikaw kasi, hinayaan mo na makita ko... ang ugaling mong tiyak hahanaphanapin ko...
*masarap daw magmahal ng bolero, d dahil sa gusto ko lang magpaloko....kundi dahil gusto lang kita magbago... dahil nais ko sanang marinig buhat sa bibig mo..."sa dami ng niloko ko ikaw na ba ang karma ko...?"
(Post a new comment)
(Post a new comment)
|