Create Journals
Update Journals

Journals
Find Users
Random

Read
Search
Create New

Communities
Latest News
How to Use

Support
Privacy
T.O.S.

Legal
Username:
Password:

Lunar Dependent Insomniac (glucostalker) wrote,
@ 2002-12-02 01:29:00
Previous Entry  Add to memories!  Add to Topic Directory  Tell a Friend!  Next Entry

    Current mood:stalkerish

    Taguan
    Hinanap mo daw ako kanina. Lumapit ka daw kung sa'n kami nakatambay, sumilip ng bahagya, nagkamot ng ulo saka umalis. 'Andun lang kaya ako! Di mo 'ko nakita?

    Sana tinanong mo man lang ang mga barkada ko. Kilalang-kilala ka ng mga yun! Medyo wirdo na talaga sila 'pag hindi ka pa rin nila kilala hanggang ngayon. Sa ilang libong beses ko ba namang banggitin ang pangalan mo sa isang araw, sa ilang daang pangarap ang pinaplano kong nadamay ka na, sa isa't kalahati kong pusong umaasang... wala. Basta umaasa lang.

    Sa totoo lang, sinabihan ako ng barkada ko kaninang 'andun ka nga raw. Napakaiingay nga e! "Hoy, bakla, hinahanap ka 'ata. Parang may kailangan."
    Nagkataon namang medyo marami akong ginagawa nang panahong iyon. Nakahukot ako sa tapat ng napakagaang laptop ng ka-org ko dahil may tinatapos kaming concept paper. Kaya hindi ko sila pinansin.

    Pero dahil hindi mo naman alam na ikaw 'yan at ako 'to, sasabihin ko na lang ang tunay na nangyari. *hingang malalim* Ganito 'yan. Pababa ka pa lang ng hagdan, nasabihan na 'ko ng aking masisigasig na mga espiya na parating ka. Sinilip kita mula sa likod ng napakalaking poste, at dahil mababaw lang naman ang kaligayahan ko, nang makita na kita, bumalik na 'ko sa aking pinagkakaabalahan. Tapos ayun na nga, sinabi nga nilang naro'n ka nga raw, hinahanap 'ata ako. Ewan ko kung narinig mo, pero napakatanga ko, hindi ako naniwala. "Ay nako, 'wag niyo 'ko asarin ngayon at may ginagawa ako."

    Pag-alis mo saka ko lang nalamang nagsasabi pala sila ng totoo. Hinanap mo nga daw ako. Lumapit ka daw kung sa'n kami nakatambay, sumilip ng bahagya, nagkamot ng ulo saka umalis. 'Andun lang kaya ako! Di mo 'ko nakita?

    At ni hindi mo man lang ako tinawag. Alam mo naman ang pangalan ko. Medyo wirdo ka na talaga kung hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako kilala. Eh naging magkaklase kaya tayo nung isang taon? Sa tuwi-tuwi kayang dumadaan ka sa tambayan namin, halos lahat ng tao eh ipinagkakalandakan ang pangalan ko hangga't hindi ka lumilingon. Hangga't hindi ka ngumingiti. Hangga't hindi mo pinalilipad ang isa't kalahati kong pusong umaasang... wala. Basta umaasa lang.

    Sa totoo lang, hindi naman talaga sobrang bigat ng nararamdaman ko para sa'yo. Kasi hindi naman kita kilala e. Ibig kong sabihin e, kilala kita pero hindi naman kita ganun kakilala. Wala akong alam tungkol sa'yo bukod sa gwapo ka. At parang umaabot sa lahat ng sulok ng katawan mo ang liwanag ng iyong mata tuwing ngumingiti ka. Gwapo ka. Sobra. Yun lang.

    Pero dahil hindi mo naman alam na ikaw 'yan at ako 'to, sasabihin ko na lang ang totoo. *hingang malalim* Ganito 'yan. Hindi tayo nakapag-uusap ng tulad ng... hinde. Actually, hindi talaga tayo nakapag-uusap. Pero ewan ko. Paminsan nararamdaman kong kilala kita. Siguro dahil marami akong kaibigan sa mga kaibigan mo at dahil alam nila ang epekto mo sa'kin, palagi ka nilang naikikwento. Kaya oo. Oo, marami akong alam tungkol sa'yo bukod sa guwapo ka. Marami akong alam tungkol sa'yo tulad ng alam kong wala kang alam tungkol sa'kin.

    Alam kong hindi mo alam na naririnig kong kumakanta ang hangin tuwing nakikita kong parating ka. Hindi mo alam na kasabay kong lumilingon ang mga balahibo ko sa paglampas mo. At alam ko ring wala kang kamalay-malay na dumadagundong sa saya ang dibdib ko kapag may kasamang kaway at 'oy!' ang iyong pagdaan. Marami-rami na ring awitin at tula ang naghihintay makadampi sa iyong kamalayan.

    Hindi mo rin alam na naikwento sa aking gumuho daw ang mundo mo nang magkahiwalay kayo ng babaeng minamahal mo. Akala daw nila matatag ka, pero pagkatapos ng isang malupit na inuman, wala rin. Nalaman nilang tao ka rin nga lang, nasasaktan. Marami daw silang nagising ng pag-iyak mo. Naghahanap ka daw ng sagot sa mga tanong mong buhat ng iyong paghihikahos. Naghahanap ka raw ng karamay sa mga panahong kailangan mo ng kalingang walang katapusan. Naghahanap ka raw ng magmamahal sa'yo ng katulad ng pagmamahal na ikaw lang ang makakapagbigay.

    Hinanap mo daw ako? 'Andun lang kaya ako! 'Di mo 'ko nakita?



(Post a new comment)

cheap jordan shoes
(Anonymous)
2009-07-30 20:59 (link)
Thank you for your article, the contents of the following which you will like.Nike SB,Cheap Jordan shoes, Nike Dunks SB,UGG Boots, Nike Dunks,Gucci Shoes.Who is also a useful information:Nike SB for Sale ,Nike Dunk,Tiffany Rings,Tiffany Jewelry for Sale,Christian Louboutin,Bose headphones.

(Reply to this) (Thread)

louis vuitton online shop
(Anonymous)
2009-09-13 07:28 (link)
Anyone know louis vuitton near by? I am looking for one but never get.
I just bought this bag from louis vuitton online shop which located in New York city, it’s wonderful.
louis vuitton sale are located in all major cities such as Shanghai, New York, etc, you may travel to these cities and get one for yourself.

(Reply to this) (Thread)

louis vuitton online shop
(Anonymous)
2009-09-13 07:30 (link)
Anyone know louis vuitton near by? I am looking for one but never get.
I just bought this bag from louis vuitton online shop which located in New York city, it’s wonderful.
louis vuitton sale are located in all major cities such as Shanghai, New York, etc, you may travel to these cities and get one for yourself.

(Reply to this) (Thread)

louis vuitton online shop
(Anonymous)
2009-09-13 07:31 (link)
Anyone know louis vuitton near by? I am looking for one but never get.
I just bought this bag from louis vuitton online shop which located in New York city, it’s wonderful.
louis vuitton sale are located in all major cities such as Shanghai, New York, etc, you may travel to these cities and get one for yourself.

(Reply to this) (Thread)

bridal dresses
(Anonymous)
2009-09-27 07:20 (link)
Wedding dresses, mother of the bride dresses, flower girl dresses, and prom dresses have been the keystones of Mon Cheri’s success for nearly twenty years. wedding gowns were only the beginning for Mon Cheri; today, we produce over twenty branded special occasion product lines worldwide,


Look more beautiful on your wedding day wearing gorgeous wedding dresses that are unique and with lasting impression.


At OnlyWeddingDresses.com we provide a free resource of information about bridal dresses and wedding gowns that we hope will help you choose the perfect wedding dress for your special day

(Reply to this) (Thread)


(Post a new comment)

© 2002-2008. Blurty Journal. All rights reserved.