| Current mood: | nostalgic |
| Current music: | Playlist ni Hanzel |
Nang makita si Chicken Wing...
Wednesday, March 12
Dumalaw akong school kasi Campaign Week for the SC General Elections. Dumating akong school nang maaga, mga 16:00. Eh sa La Salle, magkatabi ang tambayan ng Tapat at ng YFC dun sa former Chess Plaza, at kung galing ka sa North Gate, una mong madadaanan ang YFC tambayan. Syempre, just as usual, kapag ganoong oras, puno ang mga tambayan. Nang makita ako ng mga younger generation sa YFC, tinawag nila ako...
YFC (in chorus): "Mama Karlaaaaaa!!!" Me: "Hello!!!"
Sabay beso sa mga people... At hulaan nyo kung sinong nanduon? Syempre, dun mga mga masugid kong LJ friends, kilala nyo na kung sino sya. Syempre, andun si Chicken Wing (CW) at take note, nagbeso pa kami. Tapos tinanong ako ni Gem, "Mama Karla, bakit ka pumapayat?" At syempre sinagot ng lola mo, "Eh kasi wala akong love life!!!" Tapos may biglang humirit, "Ay daig ka pa ni CW, sya nag paplano na."
To my horror, tinanong ko sa aking sarili, "Si CW, may love life? Sino?!?!" And to my relief, buti na lang yung so-called love interest nya eh medyo hard-to-reach dahil si Kitchie ng Mojofly lang naman yung pinagnanasahan nya. Hello?! Diba? In his wildest dreams! :) At syempre, finally tumapang na rin ang apog ko dahil bigla kong hinirit sa kanya, "Hay naku, bakit kasi kung saan-saan ka pa naghahanap, eh ang dami naman dyan sa tabi!" Sabay layas ang lola mo.
Oh diba, sa buong 3 taong nagmamahal ako sa kanya, ngayon ko lang sya nahiritan ng ganun.
Friday, March 14
Dumalaw na naman ako sa La Salle dahil last day na of campaign. Mga 19:00 na yun, kasama ko yung mga fellow Tapat alumni, nakatambay kami sa booth ng Santugon, sa may Chess Plaza, hehe. We were making fun of their CD, candidates, core, at kung anu-ano at sinu-sino pa, basta pinagtatawanan namin ang Santugon. Tapos, biglang dumating si CW. Aba, ang lola mo, naloka, pero syempre, I tried to go undetected. Finally, dahil sa lakas ng boses ko, na medyo dinig buong La Salle, napansin ni CW na andun lang ako within the vicinity. So, tinawag nya ako. Syempre ako, lumapit ako sa kanya at iniwan ang aking mga Tapat friends. Hehehe! This time, hindi kami nagbeso, SAYANG! Nagpasama ako sa kanya sa Burgundy para magwithdraw sa BPI, tapos kuwentuhan kami habang naglalakad. Syempre, nagkuwentuhan kami about our future plans, tapos nabanggit ko sa kanya na I have 3 plans, Plan A: mag-Law, Plan B: mag-Masters in Teaching Chem, Plan C: mag-take up ng Education units, then MA in Childhood Dev't. Tapos kinamusta nya yung Spanish ko. Tapos sabi nya balak nyang mag Masters in Civil Eng'g and magtuturo sa DLSU at the same time.
Sobra kong na-e-enjoy yung mga ganung moments with him, kasi isa sya sa mga taong talagang pwede kong kwentuhan tungkol sa mga ganung stuff. Kasi very supportive syang friend, in fairness! Ego-booster ko sya, kasi naniniwala syang magaling ako. Pero ako in return, eh, ina-affirm ko rin sya, kasi, in fairness, magaling din sya.
Habang nasa Burgundy kami, nilalait nya yung flooring ng building, ang pangit-pangit daw. Tapos sabi nya, magEduc na lang daw ako para sya daw yung mag-construct ng Pre-School ko. Oh diba ang saya! :) But I explained na priority ko ang mag-Law because I feel the need of becoming a lawyer. Tapos bumalik na kaming tambayan.
At syempre, habang nasa tambayan kami, naungkat na naman si Kitchie, ay diosko! Sabi ko kay CW, wag na syang umasa dun dahil may nanliligaw na sa kanya. Tapos biglang hirit ba naman with conviction, "Eh marami namang nagdadasal para sa akin." DUH! Sabi ko, wala na syang pag-asa kasi yung isa sa mga manliligaw ni Kitchie eh ka-church pa nya. Syempre, libre nga naman ang mangarap, hayun, liligawan daw nya. As if!!!
Hindi ko na talaga ma-take yung kanyang wishful thinkings, buti na lang tumawag na si papa at susunduin na daw ako sa school. At alam nyo ba ang parting words nya sa akin, "Karla, ipagdasal mo naman ako!" Ipagdasal? Para saan? Para kanino? As-in ipagdarasal ko sya para kay Kitchie? Duh! At syempre ang sagot ng lola mo, "Ayoko nga!" O diba, taray! Kung ipagdarasal ko man sya, ang hihilingin ko kay Lord, eh sana ligawan na ako ni CW para matapos na ang pananaghoy kong ito! My gulay!
Saturday, March 15
Joint birthday celebration ang aking childhood friends na sina Boss and Princess. Habang nanunuod kami ng Bb. Pilipinas, tumawag sa akin sa cellphone si CW, nanghihingi ng directions papunta sa party. Syempre binigay din ng lola mo. Nasa 2nd floor kasi kami, dun sa family room nila Boss, tapos yung party ay nasa garage. O diba, mga anti-socials! Nang dumating si CW, hinanap nya ako kay Boss. Eto namang si Boss, dinala nya si CW sa family room. Ayun, nag-hello lang sya, tapos ni-pinch nya yung left arm ko, tapos nag-hello sya sa mga kinakapatid at ninang ko, tapos aalis din sya agad. Kailangan lang daw nya makausap si Tito Danny (Daddy ni Boss). Okay, fine. Pero buti na lang at naisipan pa nyang hanapin at puntahan ako. Oh well! Wala lang!
Kaya hayun, kahit papaano, completo na ang week ko. Mababaw lang sya, alam ko yun, pero ganun talaga. Masaya na ako kahit kababawan lang yung nangyari sa akin. Heto kasi ang hirap kapag nagmamahal ka ng taong walang pagtingin sa`yo. Masaya ka na kapag nakita mo sya tapos hanggang dun ka na lang sa point na aasa ka na sana maging kayo kahit alam mong suntok sa buwan ang gusto mong mangyari, at okay lang kahit windang ka na sa kaiisip at katatanong sa sarili, "At some point kaya, minahal din nya ako?" . Oh diba, nagpaka-martyr ang bruja!!! Mabait si CW, in fairness. Malamang alam naman nya kung gaano ko sya kagusto, and kahit alam nya yun, hindi man lang sya naiilang or umiiwas, tapos friends pa rin kami.
Sana makahanap na ako ng panibagong taong mamahalin, dapat mauna akong magka-boyfriend bago pa man sya magka-girlfriend dahil hindi ko talaga mate-take na mauna sya sa akin, as-in!
Ang tanga-tanga ko talaga!!!
"If I am not made for you, then why does my heart tell me that I am?"
(Post a new comment)
 | cheap jordan shoes (Anonymous)
2009-08-02 21:42
(link) | |
Thank you for your article, the contents of the following which you will like.Nike SB,Cheap Jordan shoes, Nike Dunks SB,UGG Boots, Nike Dunks,Gucci Shoes.Who is also a useful information:Nike SB for Sale ,Nike Dunk,Tiffany Jewelry for Sale,Christian Louboutin,Bose headphones. (Reply to this) (Thread) |
 | tiffany jewelry (Anonymous)
2009-09-27 07:54
(link) |
You can not buy jewelry stores at any jewelry stores except jewelry stores’s own, since they never sell outside their jewelry stores
I get this necklace as second-hand item at a tiffany jewellery store near my district, half price of new, I am happy.
You may take good care of you tiffany jewelry on sale at any jewelry stores, and it will cost much less than the official tiffany jewelry stores(Reply to this) (Thread) |
 |
jingjia1989
2010-08-31 23:13
(link) |
Convert PDF files to Word, Excel, Images? Definitely Yes, then this PDF Files Converter is specially designed for you. PDF to TIFF Converter is a professional PDF to images program which let you convert PDF to TIFF and lots of image formats with high quality, such as JPEG, PNG, GIF, BMP, PCX, TGA. PDF to XLS Converter is just the tool which cannot only Convert PDF to XLS, also Convert PDF to other mainstream formats.(Reply to this) (Thread) |
(Post a new comment)
|