| Current mood: | crushed |
| Current music: | suntok sa buwan - session roas |
suntok sa tiyan.
hindi ko gusto ang nangyayari sa aking sarili.
nagiging tamad na ako at mukhang bumabagsak na ako sa physics. makakakuha kaya ako ng mataas na grado sa Lab upang umangat naman ang aking grado? sana...ayoko talagang magkaroon ng mababang marka sa aking report card.
disyembre at pasko nanaman. dumaan ang dalawang napakalakas na bagyo. mukhang may ibang mga pamilya na hindi makakasalu-salo dahil karamihan ng kanilang kamag-anak ay nawawala o namatay na.
natuklasan ko nga pala mga dalawang araw na naka lipas na talagang iniibig ng kaibigan kong lalaki ang isa kong kaibigan. pinagusapan ko na siya dati.
noong sabi ng kaibigan ko na "sabi niya sa aking 'di kita gusto'" pareho kami nagulat. hindi ko mapigilan ang sarili ko pero may maliit na apoy ng pag-asang sumabog sa aking dibdib...tapos tinuloy niya ang kwento. para ako'y nasuntok sa tiyan.
alam ko na dapat ako'y masaya para sa kanya...at oo...masaya nga ako. pero...parang may isang demoniyong ayaw maniwala na totoong mahal niya ang kaibigan ko. di niya nga sinabihan "mahal kita" dahil hindi daw siya handa. naiiintindihan ko yun...at pinapalakpakan ko ang kaibigan kong lalaki dahil sinabi niya ang dalawang salitang iyon ng walang kahiya-hiya.
maka-aral na nga...may pasok pa ako bukas at maraming pagsusulit sa susunod na linggo. hindi ko alam kung gaanong katagal nanaman ako makakasulat dito.
(Read comments)
|