| Current mood: | gloomy |
change!!!!!
CHANGE!!!! ang word na di ko talaga maintindihan...kasi lagi nalang niya pinapahirap at pinapagulo yung buhay ko... example..noon...wala ako iniisip kundi kain, tulog, at laro..pero dahil sa change na yan..ayun nagkaroon na ako ng right and privelleges, mga choices and decisions sa life.. kaya eto sobrang gulo at dami iniisip...isipin niyo nalang..kung hindi sana ako tumanda eh di sana masaya at walang ko kailngan problemahin...
pero siyempre ang buhay sa mundong ibabaw ay napaganda..hindi lang naman puro problema eh..bakit si CHANGE din naman eh madaming nagawa at na-contribute saatin eh... dahil nga sa CHANGE na yan kung ano man tayo ngayon...
kung ako tatanungin... kuntento na ako sa simpleng buhay na ganito...ayaw ko kasi ng pabago bago..kung pwede nga lang pag diyan, diyan na talaga..wala ng mga dahilan tulad ng kasi may ganito ganyan etc.. parang nung mga nakaraang araw, sabi ko bakit pa ba nagkaroon ng change...hindi ba pwede na ganito nalang forever...
alam ko saakin din kasi yung problema...mahirap ako mag let go...kasi mahirap din naman makuha yung full attention ko eh... ngayon, ilang days nalang aalis na si Rev. Kuya, Bro.Jerry...grabe nakakalungkot talaga... ewan ko, pag naiiisip ko yun parang humihinto lahat sa mundo ko... kasi iba talaga siya...ang hirap ipaliwanag yung ugali niya..pero i can assure you na sobrang bait at ok siya... he knows how to deal with people specially sa amin na youth...
kahapon sobrang pagod kami kakahanap ng mga kailngan sa props para sa play..eksaktong pagdating namin sa church, yun din ang dating naman ng mga reverents..hehe!di na sila brother kasi kahapon po eh inordain na sila..dapat nga mag-absent ako sa audprin kung wla lang test..aatend talaga ako sa ordination... aba, sa 7 na inordain...6 yung kilala ko dun( bro.Jay, Bro.Ian, Bro.Arvin, Bro.Ed, at ang 2nd fave ko BRo.Carlo at siyemore ang #1 si Bro.jerry) pero wala naman ako choice...i have to go to school...nakakapanghinayang talaga..kasi konti lang yung invited dun..sa parish nga namin 4 lang kami na pinayagan na pumunta dun..tapos ininvite pa talaga ni Bro.Jerry..di naman ako makakapunta...pero pinangako ko na sa sarili ko na dapat sa priestly ordination nila andun ako...mag-absent na talaga ako nun...ayun, back to my story...pagdating nila sa parish grabe mixed emotions...ang saya saya ko nung nakita ko yung 2(Bro.Carlo n Bro.jerry) galing kasi sila retreat few days ago kaya medyo tagal ko din na hindi sila nakita...ang saya ko kasi nga deacon na sila... siyempre another step yun sa kanila papunta sa gusto nila maabot... pero nalungkot ako kasi alam ko sign na naman yun para sabihin saakin na malapit na din umalis c bro.Jerry...
ayun kulitan at daldalan..piture picture...bonding... kasama din mga ibang youth..grabe, sakit ng mga tiyan kakatawa...sarap talaga balik balikan yung mga ganitong panahon... nagbinyag na nga siya kahapon eh..ayun medyo nabubulol pa din si rev.jerry...kakatawa nga eh..nung 7pm mass naman na nagserve ako siya naman nagbasa ng gospel..siya din nagbigay ng communion...before mag start yung mass asaran na naman nga..lagi kasi yung nagpapanic kaya sarap asarin... pero nung nasa harap na siya ng altar..kami ng ibang kasama ko sa youth iisa yung nafifil..masaya kasi iba talaga itsura ni Rev jerry..yung saya kita mo talaga sa mukha. niya..pero nalulungkot kami kasi parang ang bilis ng araw...parang kelan lang kulitan at batukan or tulakan...tapos ngayon makikita namin siya sa harapan namin...iba na din yung suot..siyempre yung pang deacon na...
dasal ko nga araw araw na sana bigyan ni God si Bro.Jerry ng strength para harapin lahat ng darating na trials sa buhay niya...siyempre mahirap at malungkot buhay ng mga may vocation eh..tsaka pangalawa hiniling ko kay God na bigyan niya sana ako ng strength na harapin yung panibagong CHANGE na ito sa buhay ko... sabi ko nga dati nakakainis kasi feeling ko pinaglalaruan ako ng panahon at kapalaran...kasi nga masasanay ako na andyan yung tao tapos magugulat nalang ako isang araw aalis na pala siya...yun bang wala akong choice kundi harapin yung sitwasyon...ang hirap.... alam ko hindi lang ako yung nakakaramdam ng ganitong kalungkutan...madami kaming mga youth..minsan na din kasi napagkwentuhan... pero ngayon eto ibinubuhos nlang yung attention sa ibang bagay para mas maging madali para sa lahat...para less yung iyakan..
ngayon nga kahit wala pa ako tulog at pagod dahil sa mga practice eh pinilit kong magising ng maaga..first time niya na magbigay ng homily...siyempre di ko ata papalampasin ito noh... medyo kulang pa sa confidence kasi halata sa voice...syempre first time eh..pero if yung homily ang pag-uuspan..two thumbs up... walang favoritism dito promise...seryoso..astig yung homily...kasi mapapareflect ka talaga... tsaka yung pagdeliver niya...parang kausap mo lang siya ng personal..ang sarap makinig and at the same time mapapaisip ka talaga... one thing that struck me dun sa homily...yung na-mention niya about being strong and trusting the Lord..i can't remember yung exact words..pero iyon nga yung message...kasi yun yung madalas niya sinasabi saakin pag feeling ko ayoko ko na at suko na ako sa dami ng problema...
ngayon nga medyo naghahanda-handa na ako ng mga remembrance na ibibigay ko sa kanya...labo ko noh!ewan, pinapahirapan ko lalo ang sarili ko kasi habang hinahanda ko mga ibibigay inaamin ko andun talaga yung lungkot... pero sa tingin ko kasi mas makaktulong saakin yung ganito...at least unti unti ko na pinapaintindi sa sarili ko yung reality..reality na sana hindi nalang nangyari pa.. grabe, less than a week nalang alis na siya... kung huminto nalang sana ang oras...kung wala nalang sana ganitong CHANGES...
gagawa na nga lang ako ng letter for him eh..usapan kasi namin before yung black saturday na easter vigil at mass eh magpapakita siya saaming mga youth... bibigay ko nalang yung letter sa kanya at yung mga remembrance.. alam ko mas maganda kung personal pero alam ko sa sarili ko hindi ko talaga kaya magsalita pa sa harap niya..malamang iiyak lang ako nun... mahirap kasi magpaalam lalo na sa isang napakabait na tao...yung tinuturing ko na kuya...kasi di ba panganay ako... siguro magpapasalamat nalang ako nun...magmamano ulit tapos alis na..ayaw ko makita niya ko na umiiyak...gusto ko ang huling image ng kat na makita niya eh yung image ng kat na makulit at masaya..iyon kasi yung positive daw saakin..masayahin at palangiti... alam ko mahirap din kasi for his part na magpaalam saamin mga youth...
grabe, naiiyak na naman ako sa mga panahong ito... pero masaya ako kasi may mga bonding, kulitan, asaran, iyakan etc moments naman kami with him na pwede namin balik-balikan....
(Read comments)
|