| Current mood: | cheerful |
My first youth camp...
this entry was suppose to be posted and accomplished last November 7, 2004...but because of the busy schedule (school and church) i have just finished it today.
The youth camp was held last november 6 and 7. it was the first youth camp that i have ever attended. si mama kasi, hindi ako pinapayagan dahil daw bata pa ako...eh ngayon na 19 na ako at president ng usherette kaya pinayagan niya ako... sobrang saya ko nung nalaman ko na magkakaroon ng youth camp... sobrang kahit busy ako sa school eh hindi ako nagdalawang isip na sumama... siyempre, una dahil first time ko ata makakasama sa youth camp papalampasin ko pa ba naman ang opportunity... pangalawa, siyempre time na yun para kahit papano eh makapag-relax man lang ako sa dami ng problema na iniisip ko..deserve ko din naman yun eh.tsaka syempre magkakaroon ako ng chance na makilala yung ibang tao from other ministries.. and siyempre, si Bro. Jerry ata yung organizer, matatangihan ko ba naman yun? malabo ata...pano sobrang bait kaya i'm just returning the kindess na pinapakita niya... ah basta...
maaga kami umalis galing dito sa paraƱaque. sa laguna kasi yun sa tabor house. Salesian Brothers yung may-ari. eh Salesian Brother si Brother Jerry kaya free yung place. nagbigay lang kami ng donation dun. sa church nag-meet pero nagpasundo ako dito sa bahay kasi dami ko dinala...sandok/ serving spoon, knives, rice cokker, ice, cooler etc. siyempre hindi ko ata kaya bitbitin lahat yun.. si bro. jerry nga sumundo eh..
pagdating sa camp eh, siyempre nag-ayos na ng gamit at kumain..nagkaroon na din ng groupings. group1 ako... yun group na yun eh yung permanent group mo for the whole stay dun. at dahil kami ang group1, kami ang unang magliligpit at maghuhugas ng pinagkainan...wala problema saakin, tagal na rin ako hindi nakakapaghugas ng plato eh, tsaka 6 naman kami gagawa kaya ok lang... siyempre tapos maglinis group activity na...
a. unang activity, yung pinakamaganda, matibay at mataas na tower. bibigyan ka lang ng 6 sheets ng newspaper at 3 meters ng tape... at 30 minutes para gumawa.. tapos i-eexplain mo yung ginawa niyo.. ako nag-explain sa group namin..kami nanalo sa pinakamatibay na tower...siyempre engineer ata yung leader namin, si kuya basty! realizations: you can't have everything, kasi hindi mo ma-aachieve lahat yun.sabi nga nila nobody's perfect. ang importante eh mahal mo yung ginawa mo tsaka nag-exert ka ng effort para dun...tsaka, mahirap pala makihalubilo sa mga tao na hindi mo pa kilala, siyempre first activity kaya medyo ilangan pa...hindi mo alam kung agree siya or hindi sa design na gusto mo..buti nalang yung groupmates ko mabait lahat...
b. lunch time na... syempre activity ulit..kakaibang lunch ang na-experience ko...tinawag nila itong "monk's meal"..grabe ang hirap nd rules...may ka-pair ka...yun yung magbibigay sa'yo ng food and water...so dapat sensitive siya sa needs mo..ang masaklap pa eh bawal magsalita..so pakiramdaman talaga. napakain tuloy ako ng marami kasi nakakahiya naman kung hindi ko kakainin yung binigay saakin. Realizations: mahirap pala maging deaf/mute...minsan kasi pinagtatawanan sila ng mga tao, pero diba dapat mas maging sensitive tayo sa needs nila kasi mas kailangan nila nun..tsaka dapat maging thankful tayo sa mga blessings na binibigay saatin..gusto man natin ito or hindi dapat magpasalamat tayo..kasi yung binibigay saatin, based yun sa nakikita ng ibang tao na kailangan natin..lastly, maging selfless...usually pagkakain sarili lang natin iniisip natin, pero this time natuto ako na magserve muna bago sarili ko..yun naman role namin sa church eh..to serve and not to be served...
c. pahinga muna konti tapos "amazing race"... 4 major and 2 minor activities yun.yung mga major activities eh yung may wood na lusutan ng paa tapos lahat kayo andun...may 3 bulag (naka-blinfold) at 3 pipe, (bawal magsalita) kasi 6 sa bawat group. so kahit nakikita mo yung dadaanan niyo eh hindi ka naman pwede magsalita...dapat sabaysabay kasi matutumba kapag may nauuna..siyempre pasaway na naman ako..tawa ako ng tawa kaya medyo natagalan kami... second, yung may maze isa tiga guide isa naka-blindfold..bale 3 pairs bawat group..may hahanapin din na mga object,,,kasama ako sa naka-blinfold kaya grabe putikan yung mga damit ko..ahaha!gusgusin na ako.. third activity, yung web...may web na malaki tapos dapat lahat maka-cross from one side to the other...bawal sumayad sa mga tali, tsaka yung nalusutan ng isa eh hindi na pwede lusutan ng iba pang groupmates...fourth eh rappelling...2 minor activites, isa yung tricky riddle...tsaka pangalawa yung giant star...5 kami na magrerepresent na fingers tapos yung isa leader...siya yung mag-didirect ng gagawin..may straw (tali) gagawa ng giant star na hindi gagamit ng kamay, so katawan yung gagamitin mo kung lulusot ka or what... Realization: team work, tsaka trust sa ka-group mo..lalo na sa mga activities na may naka-blindfold....
d. party... siyempre special ang dinner namin...may mga baloons and decorations..tapos may party hat pa kaming lahat...tapos ng kainan eh "variety show" eklat.. may group presentations, cheers, games etc... grabe, sobrang sumakit yung tiyan ko kakatawa..sila ate sherla and ate ghe (mga member ng ministry of readers) ang pinakamakulit...mga clown in the making... umaga na kami natapos pero worth naman...kami pala yung winning group...may ribbon din kami,,,siyempre nakatago dahil remembrance... sa tent natulog, umulan ahaha kaya medyo basa kami...
* i admire bro. jerry, despite ng pagod at puyat eh nagagawa pa niyang ngumiti... kasi kita naman sa mata niya na pagod na siya at inuubo pa siya nun pero siyempre the show must go on..tuloy ang camp...
e. umaga, hindi natuloy yung sked na pag-attend namin ng mass...dami ang antok pa at natutulog kaya breakfast nalang muna...after breakfast and ligo, pahinga muna,,,siyempre tulog muna ako kasi puyat at kailangan bumawi ng tulog dahil the next day may exam na ako sa accounting... ayun, pagtripan ba naman ako..nilagyan ba naman ng palaka yung tabi ko.. alam naman nila na sobrang takot ako dun..siyempre naiyak nalang ako sa takot...hindi ako lumabas ng room..hindi tuloy ako nakasali sa isanga activity...buti nga hindi ako nilagnat sa takot, naalimpungatan kasi ko nun... sinundo na nga ako ni ate julie, tapos si bro.jerry para tingnan kung ok na ako at niyaya na ako sumama sa last activity.. siyempre yung final activity sasali na ako, kahit naluluha pa din ako sa takot...drawing yun ng masasabi namin na nangyari sa camp...
f. tapos lunch break na at picture taking...siyempre...dapat may group pix at kada pix.. dahil down ang server ng mypicgallery eh hindi ko malalagay dito ibang picture...pagnagkaroon ulit ako ng time eh ilalagay ko yun dito..konti lang picture ko kasi kami ni nordan yung kumukuha ng pix..gamit ko yung cam ko siya naman yung kay bro. jerry. nilagay ko yun sa yahoophotos ko..eto yung link...
http://pg.photos.yahoo.com/ph/katrina_ellorin_4/album?.dir=/68e9&.src=ph&.tok=phs21DCBOM4kxIGq
 ang cute pose bago kami umuwi...dahil ako tiga kuha ng pic eh dapat may pic din ako..siyempre with the person who organized the camp...fave ko siya kasi sobrang bait....sino pa ba eh di si bro.jerry
-copy paste niyo nalng sa internet explorer para makita niyo..176 pix yung andun...
siyempre yung cover ng album namin eh yung pic namin ni bro.jerry..dapat lang..joke, baka may magselos..dami kasi may gusto dun sa san antonio...although hindi siya ganun ka-gwapo eh sobrang bait naman...
siya yung pinakamabait na tao na nakilala ko..hindi man lang marunong magalit..tsaka pag nanghingi ka ng favor sa kanya basta kaya niya ibibigay niya...hay...sobrang bait talaga, kaya nga pag may meeting ang youth at may activity full support kasi sobrang bait niya saaming lahat... sana lang matupad na ang dreams niya...lam niyo na maging priest...
siya kasi yung first brother na na-assign sa parish na naging ka-close ko...yung mga bros. 1 year lang sila nag-stay sa parish kasi ililipat din sila sa ibang place..dati kasi ang kilala ko lang yung sa ministry namin..hindi ko na ginusto na may makilala pang iba...kasi mahirap na..parang dati..may naging ka-close ako ng sacristan..(wag pag-isipan ng masama, mabait lang talaga yun) tapos kung kelan sobrang close na namin tsaka siya nag-migrate...imagine how painful it is...hindi sa selfish ako, pero mahirap na maging attached diba.. kaya simula nun sinabi ko sa sarili na dapat wag maging close...kasi kpag nawala yung tao mahihirapan ka lang..
pero na-realize ko mali ako, natural lng yung mga ganoong pangyayari..sabi nga nila nothing is permanent in this world..hirap tanggapin noh! dapat maging handa ka nalang sa mga possibleng mangyari... hay, ngayon sobrang enjoy talaga kasama yun si bro.jerry tapos sabi niya hanggang march lang daw siya..kakalungkot isipin, pero sabi ko sa sarili ko ok lang kasi ganun talaga ang buhay tsaka ang importante dun eh yung memories di ba... kaya nga gumawa ako ng scrap book para sa kanya...ibibigay ko yun bago siya umalis...siyempre para hindi niya kami makalimutan.. yan, panibagong tao na naman sa blurty ko, hindi love life yun ha..tao na nakatawag ng attention ko at nagpa-realize saakin ng mga bagay - bagay...
advice nga niya saakin eh : wag masyado maging busy dahil lang may gusto ako kalimutan, tsaka dapat daw galing sa puso mo yung ginagawa mo... kasi daw pag naging workaholic mahirap..based dawa yun sa experience niya... buti nga ngayon nakalimutan ko ng tuluyan si pao eh... hay! sarap ng feeling...
may retreat na naman na inorganize sa dec18..excited na ako,,,siyempre, sasama ulit ako...alam ko na it was all worth the time...
(Read comments)
|