| Current mood: | crushed |
im back!
tagal din since yung last blurty entry ko.. syempre sobrang busy sa mga priorities...ACCOUNTING! grabe, kaka-relate yung entry ni ayen..and agree naman ako sa comment ni dyan... hindi ko na rin kasi alam gagawin sa mga accounting subjects ko... feeling ko napipilitan lang ako mag-aral kasi third year na ako at hindi na pwede mag-shift... sobrang hirap talaga...hindi na ako nag-eenjoy... sobrang puro nalang aral yung ginagawa... samantalang yung ibang course eh pa-easy easy lang eh mataas yung grade samantalang kami na subsub na sa pag-aaral eh bagsak pa din...hopeless case!!! buti nalang supportive mom and dad ko, pati mga tita and tito ko... ayun, kahit papano eh ini-encourage nila ako na magtiyaga lang daw...may right time na binigay or tinakda si God para makatapos ako..basta daw gawin ko nalang yung best ko..whatever daw maging grades ko ok lang kasi nakikita naman nila na nagsusumikap ako..kakatouch!!!
sa church thingy naman, eto sobrang busy din ako...siyempre may regular sunday service tapos from 7:30 am eh nagbabantay kami ng mga tables dun para mag-solicit sa mga tao na gusto mag-donate para sa construction and finishing ng church....kakapagod pero iba kasi yung sense of fulfillment kapag nakakatulong... this saturday eh punta naman kami sa Laguna, youth camp!!!! excited na nga ako eh...
third, hahaha!!! love life! ayun, negative pa din ang love life ko... siguro maling tao, maling panahon at maling pagkakataon... ok lang yan, malungkot pero may lesson and learnings naman kaya ok lang.... sabi nga nila the truth hurts tsaka reality bites...pero ok lang at least mulat at aware ka sa katotohanan... salamat sa mga friends na sobrang supportive... kay wen, ayen, ches, dyan, marian....ahahaha...ang mga tao na nagtityaga na makinig sa mga walang kwenta kong kwento... si wen...touched ako sa text na andyan lang daw siya pag kailangan ko... si elmz naman...yung mga sweets na binibigay mo at words of encouragement...sobrang nakakatulong...touched ako...siyempre si jigs,,,ang matiyagang nakikinig saakin..sobrang laki ng utang na loob ko dito... salamat... kakatawa nga lang yung mga text..para bang galing ako sa isang break up...sobra mag-worry... dont worry guys, im ok...nasaktan...pero part lang yan ng life...tsaka ipokrita ako kung sasabihin ko na deadma lng..tao lang may feelings...pero wala ako sama ng loob kahit kanino...palagay ko nga blessing pa lahat ng nangyari... napatunayan ko sa sarili ko na im very lucky to have friends na lagi andyan for me... priceless people... na hindi ko man lagi napapansin...pero hindi ako iniwan... hay! sa wakas eh matatahimik na yung mga tenga niyo sa paulit-ulit kong mga kwento... i'm ok..i'll be ok...sabi nga nila "life goes on" and "life doesn't end where our heartaches begin"...
(Read comments)
|