| Current mood: | confused |
Mga Tanong Na Naisip Ko Ngayong Taon
Baka sakaling may sagot kayo dito:
1. Bakit madaming tao sa mall kahit na weekdays, lalo na kung officehours? Wala ba silang mga trabaho kaya nasa mall sila?
2. Bakit lagi na lang may taong nakasakay sa taxi na pinapara mo? San sila nanggaling? Bakit di ka makakuha ng taxi lalo na kung kailangan mo?
3. Bakit may pera pambili ng kotse ang mga Pinoy? Kala ko ba naghihirap tayo, e ang sikip na ng EDSA? At take note, di lang basta mga kotse ito, mga luxury cars pa. San sila nakakuha ng pera pambili? Nagtatrabaho din naman ako, pero wala akong pambili ng kotse.
4. Bakit lagi na lang may kakilala ako na bigla na lang aalis ng bansa ng walang ka-effort effort? Yung bang, biglaan na lang aalis dahil na-"petition" na lang sila. Wala bang pwede mag-"petition" sa akin? Lagi na lang may kakilala ako ng na-"petition" daw sila kaya aalis na. Bakit ganun?
(Read comments)
|