![]() |
|
![]() |
|||||||||||
![]() |
![]() |
||||||||||||
No. I'm not talking about a bad date. I just had a brush with death that's what. I can't say I'm calm. I'm still scared from head to toe. Nasa Glorietta kami nung nangyari ang gulo. Pauwi na sana kami ng kasama ko galing sa exhibit nang nagsimula ang gulo. May stampede ika nga. Hindi ko alam kung saang direksyon nanggaling ang mga tao, basta ang alam ko, tumakbo na rin kami papunta sa pinakamalapit na labasan. Nung panahon na iyon akala namin mamamatay na kami. Ang alam ko may sumabog na bus sa may MRT Ayala station. Pero yung dahilan ng kaguluhan sa glorietta, di ko talaga alam ang puno't-dulo nun. May mga nagsasabing may bomba raw sa loob. First time ko naramdaman ang matinding takot. Hindi nga talaga natin alam kung kelan aatake ang matinding sakuna. Malaki ang pasasalamat ko na buhay at buo pa ang katawan ko...ang dami kong naisip kanina, mabuti na lang na nakasakay kami ng MRT station ng maaga. Medyo matagal nga lang ang biyahe dahil mga 10 minuto kaming naghihintay para umandar yung tren. May problema raw kasi sa Guadalupe station. False alarm siguro ang nangyaring stampede kanina pero isipin mo na lang...papaano kung hindi? Papaano kung sumabog nga ang lugar na iyon at nasamay kami? Nung papunta kami sa pinto, pakiramdam namin, sobrang layo nito. Ang dami ko nang na-iimagine habang tumatakbo kami papalabas. Sa totoo lang, hanggang ngayon, nanginginig parin ako sa matinding takot. Naalala kong may dala pala akong camera. Nung makalabas na kaming Glorietta, nagawa ko pang kumuha ng picture pagkatapos ng gulo. -_-; Pero bago nito, agad kong tinawagan si Mama. ![]() Mukhang mapapaaga ang pag-uwi ng mga nag-dedate ngayong araw na 'to. Mas mabuti nang nasa bahay kesa naman ano pang mangyari sa 'yo. ![]() Maraming tumambay sa may Park sa may labas ng Hard Rock Cafe. Samantalang yung ibang tao sa restaurant, walang kamalay-malay na may stampede na nangyari sa glorietta. ![]() Sale sa Landmark, pero deadma lang. ---------------------------------------- Nalulungkot ako para sa mga biktima sa pagsabog ng bus....Ipagdasal na lang po natin sila... Hindi ko makakalimutan ang araw na 'to. Dahil sa araw na 'to, pinapaalala sa akin ang halaga ng buhay, na minsan ay binabalewala ko lang. Wala talagang kasiguruhan ang buhay ng tao. Sa mga oras na ito ang naiisip ko lang, ang bawat oras na ibinigay sa akin ay ginto. Post a comment in response: |
| © 2002-2008. Blurty Journal. All rights reserved. |