Create Journals
Update Journals

Journals
Find Users
Random

Read
Search
Create New

Communities
Latest News
How to Use

Support
Privacy
T.O.S.

Legal
Username:
Password:

The Gorgeous One (chemist) wrote,
@ 2003-04-28 05:13:00
Previous Entry  Add to memories!  Add to Topic Directory  Tell a Friend!  Next Entry

    Current mood: happy
    Current music:Don't Dream It's Over - Sixpence None the Richer

    Duduguin ako sa'yo, hijo!
    Grabe, duduguin ako sa ka-torpehan nya! In fairness!
    At mali po kayo dun mga kaibigan, hindi po sya si Chicken Wing. Itago na lang po natin sya sa pangalang Funny Guy.

    Opo mga kaibigan, nakakatawa po siyang tao, hindi dahil nakakatawa ang kanyang pagmumukha kundi nakakatawa ang kanyang personalidad. Masayahin po siya at mahilig siyang mag-joke --- na bumebenta naman sa akin. :) Pilit niyang gayahin si Craig David at Usher Raymond... and I love it when he does that.

    Bago ko pa man din nalamang may pagtingin pala siya sa akin, eh matagal ko na siyang kras sa opisina, sapagkat pareho kami ng hilig sa musika at ng estacion sa radio, in fact, fan din siya nila Chico and Delamar. Madalas din kaming nag-aasaran dahil duet kaming nagcoconcert sa aming project room. At heto pa, matalino pa siya. Siyempre, alam ninyo naman ako, kapag matalino ang isang lalaki eh 1 million pogi points na agad yun.

    Wala naman akong pinagsabihang kaibigan na may kras ako kay Funny Guy dahil slight lang naman yung pagtingin ko sa kanya eh. Siyempre masmatimbang pa rin si Chicken Wing, milya-milya ang lamang nung mokong na yun.

    So may panahong nakalimutan na lahat yun.

    Hanggang nagka-"stalker" ako sa opisina namin. Hindi naman siya nagpa-prank calls or anonymous text noh. Meron lang nagpa-pop-up na sweet messages sa computer ko every 10:00 am. Noong una, tipong ako, okay fine, dead-ma.

    Tapos isang umaga, hetong baklush kong friend eh nabuko ang stalker ng lola niyo, at que horror! Si Funny Guy pala yun! Siyempre heto naman si ako, dead-ma, ayaw pa maniwala kunwari. Pero deep inside, flattened, este flattered ako, in fairness, pero deadma. Flattered pero deadma. At hanggang ngayon, dead ma pa rin ako.

    Pero may nangyari kasi sa opisina na kung saan naglabasan ang mga tunay na kulay ng mga tao. Nagka-balahuraan sa office at na-agrabyado kaming mga tutors. Siyempre, dahil sa mga pangyayaring iyon, naging bonded kaming mga tutors. Eh siyempre diba, bonding na kami ni Funny Guy.

    Ang masaklap dun, hanggang bonding na lang talaga kami. Hanggang asaran or chat sa Yahoo Messenger or text-text na lang.

    At isa pang nakakahinayang dun ay aalis na ako sa aking trabaho. Hindi ko na siya makikita. Bakit kung kailan pang paalis na ako? Ang hirap tuloy umalis, pero kailangan kong mag-move on sa aking career.

    Anyhow inihaw, yun lang naman. Sana eh umamin man lang siya, diba? Pero okay lang, at least alam kong merong naaaliw sa akin at na-boost ang ego and confidence ko kahit papaano.

    O siya, tama na itong kabaliwang ito.



(Read comments)

Post a comment in response:

From:
 
Username:  Password: 
Subject:
No HTML allowed in subject
 

No Image
 

 Don't auto-format:
Message:
Enter the security code below.


Notice! This user has turned on the option that logs IP addresses of anonymous posters.

Allowed HTML: <a> <abbr> <acronym> <address> <area> <b> <bdo> <big> <blockquote> <br> <caption> <center> <cite> <code> <col> <colgroup> <dd> <dd> <del> <dfn> <div> <dl> <dt> <dt> <em> <font> <h1> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <ins> <kbd> <li> <li> <map> <marquee> <ol> <p> <pre> <q> <s> <samp> <small> <span> <strike> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <tt> <u> <ul> <var> <xmp>
© 2002-2008. Blurty Journal. All rights reserved.