Create Journals
Update Journals

Journals
Find Users
Random

Read
Search
Create New

Communities
Latest News
How to Use

Support
Privacy
T.O.S.

Legal
Username:
Password:

the violinist (br3ak_d_sil3nc3) wrote,
@ 2003-10-28 00:27:00
Previous Entry  Add to memories!  Add to Topic Directory  Tell a Friend!  Next Entry

    Current mood:reminiscent
    Current music:Inner Musings from Natural Concentration

    Alaala ng Perya
    Ngayon ko lang napansin may perya na palang nakatayo sa barangay namin. Kung hindi ko pa napansin at narinig yung mga pagtili ng mga babae, hindi ko malalaman. Tatawirin ko lang yung bakod sa dulo ng compound namin, nasa perya na ko. Kaya pala medyo maliwanag sa parteng yun. Mga ilaw ng chubibo. Medyo maaga pa para magka-perya sa amin.

    May natatandaan ako na perya na ganitong panahon pa lang nag-ooperate na pero nasa grade school pa lang ako nun. Yun yata yung unang perya na nakita ko. Sa may Imelda Park sa harap ng munispyo ng Pasig. Undas din no. Nag-aagawan ang sementeryo at ang perya sa mga tao. Isang malaking karnabal sa araw ng mga kaluluwa. Mga kandilang nagliliyab sa kaliwang bahagi ng kalsada at mga de-kulay ng mga bumbilya sa kanan.

    Grade 3. School Fair. Kakatapos lang ng field demo namin. Nagsayaw kami ng ati-atihan. Kaya kahit may bahid pa ng mga dinurog na uling yung katawan ko, niyaya ko yung kapatid ko na sumakay sa Octopus. Ayaw sumakay ng tatay ko kasi madali siyang mahilo. Hindii pumayag na kaming dalawa lang sasakay. Buti na lang nandun si Kuya Roel, high school student na malayong kamag-anak at kapitbahay namin. Second guy na naging crush ko. Katabi ko siya sa octopus ride at nakakapit ako sa kanya.

    May isang beses na dalawa nagtayo ng perya sa amin, isa malapit sa may hi-way at yung isa sa may bakanteng industrial lot malapit kina Peng. Sobrang lapit nung perya kina Peng, pagsilip mo sa bintana nila akala mo dederecho na sa bahay nila yung caterpillar. Mas gusto kong puntahan yung kina Peng. Mas maraming ride kasi saka malawak yung perya. May tent para sa mga magicians at mga acrobat, may tsubibo, caterpillar, octopus, rat race, may booth para sa babaeng sirena, babaeng ahas at sa paborito namin nina Joan na si Junggala, ang babaeng gubat.

    Nag-ooperate yung perya pagkatapos ng Undas hanggang katapusan ng Enero. Pinaka highlight ng perya pag nagsimula na yung piyesta sa amin. Sobrang saya yung piyesta.

    3rd year ng High School (ata). Piyesta. Nasa amin yung mga classmates ko. Nagkakagulo sa room ko. Si Jay kinakalikot yung pc ko, nakatayo ako sa tabi nya katabi ng bintana. Pagsilip ko may nakita kong 2 taong nagme-make out. Bale yung katabi naming bahay sa kapatid ng lolo ko. Sobrang nagulantang yung mundo ko tinawag ko sina Jay at Cha para makita din yung make-out scene. Yung part na naabutan nila nakahiga na yung babae (malaman isa sa mga tita ko na dalaga pa that time) tapos nakaibabaw na yung lalake. Hindi ko alam kung dry fucking ba yung nangyayari o nagse-sex na habang may damit pa. Sobrang shock kami. E dapat aalis na kami papuntang perya. Na-delay tuloy. Mineet na lang namin yun grupo nina Sean sa perya mismo. Ang saya-saya ng mga bata.

    Gusto ko pa ring mag-perya, hehe! Go ako para lang i-chaperone yung mga younger brothers and cousins ko.



(Read comments)

Post a comment in response:

From:
 
Username:  Password: 
Subject:
No HTML allowed in subject
 

No Image
 

 Don't auto-format:
Message:
Enter the security code below.


Notice! This user has turned on the option that logs your IP address when posting.

Allowed HTML: <a> <abbr> <acronym> <address> <area> <b> <bdo> <big> <blockquote> <br> <caption> <center> <cite> <code> <col> <colgroup> <dd> <dd> <del> <dfn> <div> <dl> <dt> <dt> <em> <font> <h1> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <ins> <kbd> <li> <li> <map> <marquee> <ol> <p> <pre> <q> <s> <samp> <small> <span> <strike> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <tt> <u> <ul> <var> <xmp>
© 2002-2008. Blurty Journal. All rights reserved.